CPNP ELEAZAR MASAYA SA MALILINIS NA POLICE STATIONS

Ni Trish Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagpahayag ng pagkatuwa si PNP Chief PGEN Guillermo T. Eleazar sa kanyang pinakahuling suprise inspection sa walong police stations sa Pasay, Parañaque, Taguig, at Manila nitong Mayo 23.

“Sa walong istasyon na ating binisita, nakita natin na malilinis at may pagbabago,” pahayag ng PNP Chief.

Alinsunod ito sa Intensified Cleanliness Policy ng hepe ng PNP na layong tugunan kahit ang  isyu ng maruming kapaligiran sa mga presinto at istasyon ng kapulisan.

Layon din ng polisiya na siguruhin ang disiplina ng mga pulis sa PNP.

“Natutuwa ako na makitang unti-unti nang nagbabago ang tingin ng ating mga kababayan sa kapulisan. Ang kalinisan ng paligid sa bawat istasyon ng pulis ay indikasyon din ng malinis na serbisyo ng ating mga pulis,” dagdag pa ng PNP Chief.

Sinabi ni PNP Chief Eleazar na magpapatuloy lang ang kanyang surprise visits kaya dapat maging handa, malinis, at alerto kahit ang pinakamaliliit na istasyon ng pulis.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.