Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGEN Debold M. Sinas sa naulilang pamilya ng tinambangan at napatay na Jolo Chief of Police ang mabilisang imbestigasyon sa kaso.
Sinabi ni PGEN Sinas sa pagdalaw nito kagabi, Nobyembre 24, sa burol ng pumanaw na si PLTCOL Walter Annayo na tutulong ang Criminal Investigation and Detection Group sa mga lokal na imbestigador ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region upang makamit ng pinatay na pulis ang hustisya.
Nag-abot din ng pinansiyal na tulong ang PNP Chief at siniguro rin ang mabilisang release ng death benefits para sa mga naulila ng biktima.
Iniwan ng Jolo Municipal Police Station Police Chief ang kanyang balo at dalawang maliliit na anak.