DA HINDI SANGKOT SA ‘TONG-PATS’ SCHEME — DAR

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iginiit ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa isang senate hearing nitong Lunes, Abril 12, na walang opisyal o empleyado ng ahensya ang sangkot sa “tong-pats” scheme sa presyo ng imported na baboy na ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson kamakailan. 

“On my personal and official capacity as secretary of the DA, the undersigned is one with President Rodrigo Roa Duterte in the strict observance of good governance and no corruption in government, and will never allow any corrupt practice under his stead and leadership,” paliwanag ni Dar.

Ayon sa DA, ang Pilipinas ay maaaring mag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura kabilang na ang baboy at iba pang pork products sa ilalim ng sistema ng minimum access volume (MAV) na bahagi ng kasunduan ng bansa sa World Trade Organization.

Maaari umanong mag-import ng 54,000 metric tons (MT) ang bansa sa ilalim ng MAV na may in-quota tariff na 30 percent. Ang mga import volume na lalagpas dito o out-quota ay may taripang 40 percent. Ayon kay Dar, istrikto at may sinusunod na panuntunan ang alokasyon ng MAV sa mga kwalipikado at lisensyadong importer. 

“The allocation is done through a raffle. The initial MAV allotment this year has long been set and fixed. Yearly or mid-year allocation may be conducted depending on the pooled amount of allocations that were either surrendered or automatically deducted as penalty for regular licensees that failed to meet the 70 percent utilization requirement within the allowable period of time,” saad niya.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na magkaroon ng imbestigasyon sa DA tungkol sa isang sindikato umano sa loob ng ahensya na nagpapatong ng Php5 hanggang Php7 per kilo sa mga imported na baboy.

Lubos na naapektuhan ng African Swine Flu ang industriya ng pagbababoy pati na ang suplay ng karne sa bansa kung kaya’t itinaas ang MAV sa 400,000 MT upang matugunan ang kakulangan sa suplay nito.

Ipinaliwanag ni Secretary Dar sa senado na ito ay pansamantalang solusyon na epektibo lamang ng isang taon sa ilalim ng istriktong pamamalakad ng MAV Management Committee.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.