DA nagbabala sa mga traders at wholesalers na nagmamanipula sa presyo at suplay ng mga pangunahing produkto

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) kahapon sa mga traders at wholesalers na mapapatunayang nagkakalat ng balita ukol sa false shortage o nagmamanipula ng presyo ng ilang pangunahing produktong pang-agrikultura tulad ng baboy, manok, isda, o gulay. 

Ayon kay DA Secretary William Dar sa isang virtual presser kahapon, isang sub-task group on economic intelligence ang binuo ng Inter-Agency on Food Security upang mag-imbestiga at magsampa ng kaso sa mga indibidwal o organisasyon na nagkakalat ng maling balita na may food shortage. 

“Lahat na entities, individuals and organizations who are floating the idea of food shortage will be under investigation. They will be asked to substantiate their claims and otherwise, failing to do so, renders them suspect of collusion with traders and wholesalers,” babala niya. 

Sa pakikipagtulungan ng ahensiya sa Department of Trade and Industry (DTI), iminungkahi din nila ang pagsama ng iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng  Department of Justice (DOJ), Department of Local Interior and Local Government (DILG), at iba pa sa kanilang imbestigasyon. 

Panawagan ni Dar na iwasan ang pagdulot ng panic sa publiko. 

“Huwag tayo mag-sow ng panic among consumers,” sabi niya. 

Ayon pa kay Dar, nakikipagtulungan na din sila sa Philippine Competition Commission (PCC) para sa imbestigasyon ng mga trader at wholesaler na sangkot sa pagmamanipula ng suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa katunayan, ayon kay Dar, ay nagsimula na ang PCC sa imbestigasyon nito. 

Maaaring umabot sa PhP100 milyon ang maaaring ipataw na multa ng ahensiya sa mga mapapatunayang nagkakalat ng balita ukol sa false shortage o nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga nasabing produkto. 

“The PCC has already started conducting its own investigation. They can impose penalties of as much as PhP100 million based on evidence of manipulation and other unscrupulous practices,” dagdag ni Dar.

Binigyang-diin ni Dar sa briefer na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Ang mga produkto umano ay minamanipula lamang ng ilang traders na nagsasamantala sa kasalukuyang pandemya. 

Matatandaang nagbigay na ng direktiba ang DA na simulan ang pag-aangkat ng baboy at pork products sa Luzon at Visayas mula sa Mindanao upang i-stabilize ang presyo at suplay ng karne ng baboy dito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.