Nirekomenda ng PNP ang total closure ng illegal mining operations sa Camarines Norte matapos mapag-alamang pinagkunan diumano ang mga ito ng CPP-NPA-NDF ng bombang ginamit sa ambush nitong Marso 19 sa Brgy. Dumagmang, Labo na pumatay sa limang pulis at iniwang sugatan ang dalawa pa.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nanggaling sa ilegal na small-scale backyard goldmining sa Labo ang explosive components ng improvised explosive devices (IEDs) na nakuha sa lugar kung saan naganap ang engkwentro.
Nakuha sa clearing operations ang 75 piraso ng IEDs at 5 molotov petrol bombs.
Nakuha rin sa lugar ang isang rolyo ng firing wire, 43 non-electric blasting caps, dalawang baterya, at isang electric blasting cap.
Kinondena ng ilang national officials ang kamakailan lang na terror attack ng mga rebeldeng komunista na napabalitang nangingikil sa project developer na gumagawa ng farm to market road sa nasabing barangay.