DAR, IIMBESTIGAHAN ANG P6B KICKBACK SCHEME SA LOOB NG DA

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang imbestigasyon sa isang sindikato na di umano’y sangkot sa isang money-making scheme sa loob ng ahensya.

Inilabas ni Dar ang direktiba matapos isulong ni Senator Panfilo Lacson kahapon na magkaroon ng pagsisiyasat ang senado sa isang sindikatong maaaring kumita ng bilyun-bilyong piso sa patong o ‘tongpats’ mula sa rekomendasyon ng DA na magpatupad ng mas mababang taripa sa mga imported na produktong baboy at mas mataas na minimum access volume (MAV) ng mga ito dahil sa matinding epekto ng African Swine Fever (ASF) sa industriya ng pagbababoy.

Isiniwalat ni Lacson sa plenary session noong Lunes na mayroon umanong mga opisyal sa loob ng DA ang nagpapatong ng Php5 hanggang Php7 sa bawat kilo ng imported na baboy ayon sa kanyang source.

Ayon naman sa executive director ng DA-minimum access volume (DA-MAV) Secretariat na si Jane Bacayo, maayos at umaayon sa guidelines ang pag-iisyu ng MAV allocation.

“The allocations of existing MAV licensees are those they have been using even before the administration of Sec. Dar, in accordance with the existing MAV guidelines,” saad ni Bacayo sa isang pahayag kahapon.

Mapapanatili umano ng mga MAV licensees ang kanilang alokasyon kapag nagamit ng mga ito ang 70 percent ng kanilang MAV allocation sa nakaraang taon.

“Thus, MAV licensees will always try their best to utilize 70 percent of their allocation so that they will retain their existing allocation for the succeeding year,” saad niya. “Issuance of MAV import clearance to MAV licensees is ministerial or non-discretionary on the part of the MAV Secretariat.”

Dagdag pa ni Bacayo, ang mga lisensya at allocation para sa MAV ay non-transferable o hindi maaaring gamitin ng iba. 

“These policies are strictly adhered to and observed under the leadership of Sec. William Dar,” paliwanag niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.