DENR NAGLUNSAD NG COMMUNITY ‘PAN-TREE’ BILANG PAGDIRIWANG SA EARTH DAY

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of facebook.com/DENROfficial
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kasabay ng paggunita ng Earth Day, inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)- National Capital Region (NCR) ang community “pan-TREE” ngayong araw, Abril 22, 2021, kung saan mamimigay ang Kagawaran ng libreng mga punla ng gulay at prutas sa mga nangangailangan upang patuloy na maitaguyod ang urban gardening at pagtatanim sa NCR.

Kasama sa mga ipamamahagi ay mga punla ng bayabas, guyabano, atis, abukado, at chico. 

Kinakailangang magdala ng kanilang sariling paso o lalagyan iyong mga nais makakuha ng punla mula sa “pan-TREE”.

Maaari ring magbigay ng mga tanim bilang donasyon ang mga indibidwal o grupong mahilig sa urban greening bilang pagsuporta sa naturang proyekto.

Bukas ang community pan-TREE simula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon ngayong Huwebes sa DENR-NCR Technical Services Office sa North Avenue, Diliman, Quezon City.

Bukod sa pagtataguyod sa urban gardening at planting, layon din ng naturang community “pan-TREE” na matugunan ang isyu ng food security sa rehiyon at maisulong ang katatagan sa komunidad sa gitna ng mga hamon ng pandemya at climate change.

Nakabase sa temang, Magtanim ayon sa kakayahan. Umani ayon sa pangangailangan”, inspirasyon ng nasabing inisyatiba ang iba’t ibang community pantries na kamakailan lamang ay umusbong sa iba’t ibang panig ng bansa upang matulungan ang mga mamamayang nangangailangan sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng pagkain, mga gamit sa banyo, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Ayon sa DENR-NCR, sisikapin nilang mapalawak pa ang saklaw ng naturang proyekto sa tulong ng iba’t ibang DENR Field Offices.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.