DEPED: ‘COMELEC APRUBADO NA ANG DAGDAG PASAHOD SA POLL WORKERS SA HALALAN 2022’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Hunyo 3, na inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan nito na itaas ang honoraria ng mga teaching at non-teaching personnel na magsisilbing poll workers sa eleksyon na gaganapin sa susunod na taon.

Dagdag pa ng DepEd, sinabi rin ng Comelec na suportado nila ang kahilingan ng Kagawaran na dagdagan ng P3,000 ang sahod na matatanggap ng poll workers.

Bunsod ng desisyong ito, ang mga pinuno ng electoral boards ay mabibigyan ng P9,000 mula sa dating P6,000 na kanilang natatanggap, samantalang makatatanggap naman ang board members ng P8,000 mula sa dating P5,000 na sahod, base sa iminungkahi ng DepEd.

Ang honoraria ng Department of Education Supervisor Official ay gagawin ng P7,000, samantalang ang support staff nito ay makakatanggap na ng P5,000.

“We want to express our gratitude to the Comelec for approving our request for higher compensation for our teachers that will render their services in the next year’s election. Given the current health situation, it is rightful for them to receive additional allowance,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Ayon sa DepEd, isasama rin sa kanilang imumungkahing pondo para sa darating na eleksyon ang allowance para sa transportasyon, pagkain at tubig, at maging ang guguguling halaga para sa paglilinis, repair, at maintenance.

Isasali rin ng DepEd sa nasabing pondo ang honoraria ng iminumungkahing  Comelec-DepEd Monitoring and Coordination Teams.

Samantala, pag-aaralan pa ng Comelec at DepEd ang iba pang mga benepisyong planong ibigay sa poll workers, tulad ng on-site swab testing, shifting, at tax exemption.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.