Nilinaw ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kahapon na ang magiging resulta ng Palawan plebiscite ay hindi nakadepende sa bilang ng botante kundi sa bilang ng mga boto ng “Oo” at “Hindi.”
“We’re not looking at the number of those who will participate. That is not necessary for the validity of the result of the plebiscite,” saad niya sa isang virtual press conference.
Ayon sa regional director ng Region 4-B (MIMAROPA) na si Atty. Gloria Petallo, titingnan lamang nila ang bilang ng “oo” at “hindi” sa plebisito.
“We expect for a 100 percent voting during plebiscite. If voter turnout is low, the plebiscite is still valid for as long as there are voters who will participate . . . We will just look at who got the highest votes, the ‘Yes’ or ‘No’ votes,” saad niya.
Bukod dito, may 50 percent na rehistradong botante lang umano ang mga nakaraang plebisito.
“Historically, the voter turnout during plebiscite is not that high. Records will show that 47 percent is the highest number of voters during the plebiscite,” dagdag ni Petallo.
Ang probinsya ng Palawan ay mayroong tinatayang 590,639 na rehistradong botante. Sa Marso 13 ay nakatakda ang mga itong bumoto kung pabor ba ang mga ito sa paghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.