DILG MAGDE-DEPLOY NG TAUHAN MULA SA PNP AT BFP PARA SA VACCINE ROLLOUT

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Magdedeploy ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mahigit 50,000 personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) upang magbigay ng suporta at seguridad sa vaccine rollout ng bansa. 

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na ang presensya ng mga unipormadong personnel ay makatutulong upang siguruhin ang maayos na rollout ng mga bakuna kasabay ng inaasahang pagdating ng 16 milyong bakuna sa susunod na dalawang buwan. 

“Mass vaccination will be a big challenge to the government but with the help of our uniformed personnel, we aim to get as many of our countrymen and women vaccinated as efficiently and as soon as possible. This is the only way for us to put an end to this pandemic,” saad niya sa isang news release noong Mayo 30.

Ayon kay Año, ang mga unipormadong personnel ay hindi lamang naatasang panatilihin ang minimum public health standards (MPHS) sa mga vaccination sites ngunit magsisilbi din bilang tagabakuna o kung anuman ang kakailanganin ng mga LGU at ng Department of Health (DOH).

Sa mahigit 50,000 na unipormadong personnel na nakatakdang i-deploy, nasa 35,415 na pulis ang naatasang magbigay ng seguridad sa distribusyon ng mga bakuna sa buong bansa habang 13,849 ang naatasang magbigay ng seguridad sa mga vaccination areas.

Bukod dito, ayon kay Año, nagpadala naman ang BFP ng 2,390 fire personnel at 356 emergency medical service units (EMS) sa 1,150 warehouse o cold storage at vaccination sites sa buong bansa. Nagposisyon din ito ng 733 fire trucks at 59 na ambulansya. 

“Our DILG uniformed personnel will not only secure the vaccines but those with medical backgrounds will also be assigned to do medical tasks in our vaccination sites all over the country,” dagdag ni Año.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.