DILG NAGTALAGA NG DAGDAG NA CONTACT TRACERS SA NCR

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nag-deploy ng dagdag na contact tracers sa NCR ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan na pigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng mga nagpositibo sa virus sa Metro Manila. 

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, magpapadala ang Philippine National Police (PNP) ng 362 uniformed personnel sa iba’t ibang LGUs bilang dagdag sa kanilang contact tracing teams. 

Ang Bureau of Fire Protection na isa ring kalakip na ahensya ng DILG ay magpapadala rin ng karagdagang 100 uniformed personnel sa NCR para rito. Ang 60 sa mga ito ay itatalaga sa Quezon City habang ang 40 ay sa Pasay. 

“The Chiefs of Police and the Fire Marshals have been instructed to coordinate with their respective LGUs for their respective requirements. If the LGUs, for example, need more, the chiefs of police can request from their District Director, and if these cannot be met by the district, the NCRPO can deploy the remaining personnel from the mobile forces,” saad ni Malaya. 

Inutusan din daw umano ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr. ang regional offices ng PNP sa  bansa na mag-assign ng hindi bababa sa 20 personnel upang magsagawa ng remote contact tracing bilang tulong sa mga LGUs sa Metro Manila. 

Ito umano ay dagdag sa 300 contact tracers na ipapadala ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

“So, that’s a total of 802 contact tracers from the DILG and 300 from the MMDA. The Metro Manila LGUs are also doing their hiring so we have a sufficient number of CTs to meet our needs,” saad niya.

Noong Enero ay nagdeploy na ang DILG ng 2,381 contact tracers na may anim na buwang kontrata hanggang Hunyo sa Metro Manila. 

Ginamit ng ahensya ang unreleased balance mula sa Bayanihan to Recover as One Act at Php500 milyong contact tracing budget sa 2021 General Appropriations Act para sa hiring ng karagdagang contact tracers. 

Ayon kay Malaya, nanatiling matatag ang contact tracing capacity ng bansa. 

“The existing number of Contact Tracers (CTs) currently stands at 255,854 nationwide which is more than sufficient for the country’s needs. We already have 29,611 contact tracing teams which are composed of 255,854 contact tracers nationwide. Even without the DILG hiring, we already have a sufficient number of contact tracers,” paliwanag niya. 

Ang ginawang hiring ng DILH ay naglalayon lang umanong tulungan ang contact tracing teams ng LGUs na makamit ang standard ng Department of Health na 1:800 contact tracer to population ratio.

Sa kasalukuyan ay may 9,386 na contact tracers ang NCR.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.