DILG, NDRRMC SA PUBLIKO: ‘SUNDIN ANG EVACUATION MEASURES BILANG PAGHAHANDA SA BAGYONG ULYSSES’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“The DILG (Department of the Interior and Local Government), together with the rest of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), expect the citizens’ participation, cooperation, and discipline as we prepare for the advert effects Ulysses may bring.”

Ito ang ipinahayag ni DILG Secretary Eduardo Año sa isang press statement bilang paalala sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar sa Bicol region at iba pang kalapit na lugar, na sumunod sa mga hakbang na may kinalaman sa paglikas bilang paghahanda sa nakaambang panganib bunsod ng Bagyong Ulysses. 

Ayon pa kay Secretary Año, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng critical preparedness actions at magsagawa ng mga hakbang kaugnay sa pagpapatupad ng  Operation Listo, ang programa ng DILG na naglalayong paigtingin ang kahandaan ng local government units (LGUs) sa gitna ng mga kalamidad sa pamamagitan ng whole-of-government approach, o ang pagtutulong-tulong ng mga sangay at ahensya ng gobyerno.

Iniutos din ng Kalihim na ipatupad ang DILG Memorandum Circular No. 2020-125 – LISTO SA TAG-ULAN AT COVID-19: Preparedness Measures of LGUs for the Rainy Season CY 2020 at maging ang pagbibigay-prayoridad sa paghahanda ng mga kagamitan at taong kakailanganin sa agarang pagresponde sa gitna ng kalamidad. 

Dapat rin aniyang maging aktibo ang barangay disaster councils ng LGUs sa paghahatid ng mga babala at pagmonitor sa mga lugar na bahain at madaling tamaan ng daluyong.

“Persistent information dissemination using all media platforms [is] also encouraged to ensure that the public is updated. [This], among others, [is] the immediate [action] that LGUs should carry out as we again reiterate that local chief executives who will be reported to be missing in action during a typhoon will be made accountable,” pagpapatuloy ni Secretary  Año.

Samantala, nanawagan naman ang NDRRMC sa mga residente na makibalita o manatiling konektado sa mga lokal na opisyal sa kanilang lugar hinggil sa mga posibleng isagawang paglikas.

“Sumunod sa ipapatupad na evacuation ng inyong barangay, munisipyo, o siyudad. Makipag-ugnayan at alamin sa lokal na pamahalaan kung saan ligtas na lumikas. Lahat ay pinag-iingat, maging mapagmatyag, at ingatan ang sarili at pamilya,” pahayag ng ahensya.

Pinayuhan din ng NDRRMC ang mga lokal na pamahalaan na siguruhin ang tamang pamamahagi ng impormasyon tungkol sa Bagyong Ulysses sa mga komunidad.

“Magbigay-babala gamit ang iba’t-ibang paraan tulad ng bandilyo at pagbabahay-bahay para sa agad na kaalaman ng buong pamayanan. Isagawa ang maagap at angkop na kahandaan kaakibat ang mga [itinakdang] pag-iingat laban sa COVID-19 (Coronavirus disease 2019),” saad pa ng NDRRMC.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, bumagal ang pag-ikot ng bagyo sa Philippine Sea ngunit nananatili naman ang lakas nito.

Nakatakdang mag-landfall ito sa Polillo Islands at Quezon ngayong gabi ng Nobyembre 11 hanggang sa umaga ng Huwebes, Nobyembre 12. 

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.