DILG: ‘PAMAMAHAGI NG AYUDA SA MGA LUGAR NA BALIK-ECQ, SINIMULAN NA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsimula na ngayong Miyerkules, Abril 7, 2021, ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga mamamayang apektado ng panunumbalik ng pinakamahigpit na uri ng community quarantine sa bansa.

Ito ay matapos maipamahagi na sa halos 90% ng bilang ng mga lokal na pamahalaan ang kabuuang P22.9 bilyong tulong-pinansyal ng gobyerno, ayon pa kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya.

Ayon sa tagapagsalita ng DILG, magsisimula ang pamamahagi ng naturang ayuda sa Parañaque at Caloocan, at ito ay magtutuloy-tuloy sa Manila, Mandaluyong, at Valenzuela sa mga susunod na araw.

Dagdag pa ni Spokesperson Malaya, naghahanda na ring mamahagi ng nasabing tulong ang iba pang mga lokal na pamahalaan na kasama sa tinatawag na NCR Plus, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

Naglabas na rin ng mga panuntunan ukol sa nasabing hakbang ang DILG at Department of Social Welfare and Development. Base sa naturang panuntunan, makatatanggap ang bawat benepisyaryo ng P1,000, at hanggang P4,000 ang maaaring ipamahagi sa bawat isang pamilya.

Bibigyang-prayoridad ng nasabing hakbang ang mga mamamayang maliit lamang ang kinikita at iyong mga nagtatrabaho sa informal economies na naging mga benepisyaryo rin ng Social Amelioration Program (SAP), pati na rin iyong mga waitlisted na mga benepisyaryo ng SAP, at iyong mga kabilang sa tinatawag na vulnerable groups, tulad ng mga kumikita nang maliit at mag-isa sa buhay, mga may kapansanan, at solo parents. Maaari namang abutan din ng nasabing ayuda ang iba pang mga apektado ng ECQ basta’t may natitira pang pondo para sa mga ito. 

Nauna na ring nagbabala si Malaya sa mga politiko na iwasan ang paggamit ng kanilang mga pangalan at larawan para lamang maisakatuparan ang kanilang mga pampulitikang hangarin sa gitna ng pamamahagi ng nabanggit na tulong-pinansyal. Pananagutin aniya ang lahat ng mga lalabag dito.

Hinimok din ng opisyal ang publiko na idulog sa Grievance and Appeals Committee ng kanilang lokal na pamahalaan ang alinmang mababalitaan nilang iregularidad sa pamamahagi ng ayuda o sa listahan ng mga makatatanggap nito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.