DILG SA LGUs: ‘ISAGAWANG MULI ANG ROAD CLEARING OPS SIMULA NOBYEMBRE 16’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos ang pitong buwang suspensyon bunsod ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na ibalik ang pagsasagawa ng road clearing operations simula Nobyembre 16. 

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, bibigyan ng dalawang buwan o hanggang Enero 15, 2021 ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan upang sundin ang nasabing direktiba ng Kagawaran.

Magiging 100 porsiyentong operational muli ang pagsasagawa ng road clearing sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na quarantine status sa bansa, samantalang bahagyang manunumbalik naman ito sa mga lugar na naka-general community quarantine o GCQ. 

Sa ilalim ng naturang direktiba, hindi kasama sa pagbabalik-operasyon ng road clearing activities ang mga lugar na nakapailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), o ang pinakamahigpit na klasipikasyon ng quarantine status, at sa modified ECQ. 

Kasalukuyang walang rehiyon sa bansa ang nakapailalim sa mga quarantine status na nabanggit hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan base sa pinakahuling deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung kayo po GCQ o partial implementation lamang, ang hinihiling natin ay alisin lamang ang mga harang sa kalsada para sa kaligtasan ng mga gumagamit. Ngunit kung kayo ay MGCQ na at mas mababa, kailangan na po lahat ng interventions under the memorandum circular of the [Interior] Secretary have to be implemented,” paliwanag ni Usec. Malaya.

Susuriin ng DILG ang resulta ng road clearing operations mula Enero 18 hanggang 22 ng susunod na taon.

Hindi naman kasama sa mga aalisin sa kakalsadahan ang mga nakaparadang ambulansya, public emergency vehicles, checkpoints, at mga pansamantalang harang bunsod ng paglalagay ng bike lanes.

Samantala, kabilang sa mga tatanggalin kaugnay ng nasabing clearing operations ang mga istrukturang itinayo para sa stranded individuals sa oras na nakauwi na ang mga ito sa kani-kanilang lugar.

Matatandaan na noong Marso ng taong ito ay sinuspende ang clearing operations sa bansa upang mas bigyang-pansin ng mga alkalde ng LGUs ang pagkontamina sa COVID-19.

Ang pagsasagawa ng clearing operations ay kaugnay sa pahayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang State of the Nation Address noong nakaraang taon na dapat aniyang ibalik sa publiko ang mga lansangang ginagamit ng ilang indibidwal para sa kanilang pampribado o pansariling kapakanan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.