DILG SA LGUS: ‘PAIGTINGIN ANG PAGSASAGAWA NG ROAD CLEARING OPS’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mga lokal na pamahalaan nitong Lunes, Enero 11, 2021, na pag-ibayuhin ang kani-kanilang “Road-Clearing Operations 2.0 o RCO 2.0 lalo pa’t papalapit na ang Enero 15, ang deadline ng implementasyon ng naturang operasyon.

Base sa nakasaad sa DILG Memorandum Circular Number 2020-145, dapat na ipatupad ng lahat ng mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine ang RCO 2.0 o ang lahat ng saklaw ng road clearing operations, hanggang Enero 15 ng taong ito.

Ayon pa sa circular, kabilang sa kabuuang implementasyon ng naturang operasyon ang pag-aalis ng mga harang sa mga kakalsadahan at sidewalk, pagsasagawa ng road inventories, at pagbuo at implementasyon ng mga plano sa paglilipat, rehabilitasyon, at pagpapanatili ng kaayusan ng mga daan. 

Inaasahan namang magsasagawa ng partial implementation ang local government units (LGUs) na nakapailalim sa general community quarantine, kung saan limitado lamang ang operasyon sa aktwal na pag-aalis at pagbabawas ng mga daan at mga nakaharang sa sidewalk na delikado para sa pedestrians at mga motorista.

Samantala, suspendido naman ang road clearing operations kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine at enhanced community quarantine. 

“As we begin the New Year, we must also continue our transition to the new normal. This calls for the need to ensure that our roads remain safe, accessible, and free from illegal and potentially hazardous encroachments,” pahayag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya. 

Bagama’t sa Enero 15 na ang deadline ng naturang operasyon, iginiit ng tagapagsalita ng Kagawaran na ang road clearing operations ay isinasagawa sa isang buong taon at kinakailangang masiguro ang implementasyon ng mga hakbang na may kinalaman dito.

Pinaalalahanan din ni Malaya ang lahat ng LGUs na sumunod sa minimum health standards sa pagpapatuloy ng road clearing operations sa gitna ng pandemya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.