DILG SA PNP, LGUS: HULIHIN ANG MGA TULISAN NG POWER CABLES, ILLEGAL JUMPERS

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na tulungan ang local government units (LGUs) at electric distribution utilities (EDUs) sa pag-inspeksyon ng mga pasilidad ng kuryente at hulihin ang mga nagnanakaw ng power cables at illegal jumpers.

“We received reports on the theft of power cables and rampant use of illegal jumpers, especially in informal settler communities. We have therefore directed the PNP and LGUs to work with EDUs in pinning down power thieves who illegally use electricity or commit theft of electric power transmission lines and materials,” sinabi ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr.

Upang masiguro na mahuhuli ang mga tulisan ng kuryente, hinikayat ng DILG ang LGUs na magpasa ng mga ordinansa alinsunod sa anti-electricity pilferage laws sa Pinas.

Kasama rin ang Bureau of Fire Protection sa pagbibigay-impormasyon sa PNP ukol sa fire incidents na dulot ng mga nasira o kompromisadong electric power transmission lines.

Iniutos din ng DILG na tulungan ng PNP at LGUs ang mga EDUs sa pag-aalis ng mga sagabal sa electric power lines alinsunod sa Anti-Obstruction of Power Lines Act.

Inilabas ang direktiba matapos pumirma ng memorandum of understanding ang DILG kasama ang Meralco para siguruhin ang kaligtasan ng publiko at tuluy-tuloy na paghahatid serbisyo ng EDUs sa electric consumers.

Hinikayat din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na maisyu agad ang permits, certifications, rights-of-way, at iba pang dokumento para sa operasyon ng EDUs alinsunod sa Ease of Doing Business Act.

Kasabay nito ang paniniguro na sumusunod sa DILG-Department of Finance (DOF) Joint Memorandum Circular (JMC) 2019-01 ang kanya-kanyang regulatory charges na ipinapataw ng LGUs sa EDUs.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.