DINUKOT NA 4 INDONESIAN NATIONALS, MAKAKAUWI NA MATAPOS MAILIGTAS SA KAMAY NG ABU SAYYAF

Ni Joan Alcantara
Photo: SN1 Donald Viluan PN/PA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Malaki ang pasasalamat ng gobyerno ng Indonesia sa Pilipinas sa naganap na turnover ceremony ng apat na kidnapped Indonesian nationals nitong Marso 23 sa AFP General Headquarters matapos ang kanilang matagumpay na rescue mula sa mga kamay ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi noong nakaraang linggo.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana ang nasabing seremonya, kasama si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, Officer-in-Charge ng PNP. 

Nailigtas ang Indonesian nationals na sina Riswanto Bin Hayono, Arical Kastamiran, at Arsyad Bin Dahalan noong gabi ng Marso 18 sa South Ubian, Tawi-Tawi ng Tandubas Police. Samantala, naligtas naman ang 15 taong si Khairuldin Bin Yai Kii ng JTF Tawi-Tawi noong Marso 21 sa Kalupag Island, Languyan.

Naging bilanggo diumano ng Abu Sayyaf ang apat sa loob ng mahigit isang taon.

Nilipad ang apat ng Philippine Air Force C-130 aircraft mula Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City papuntang Maynila noong Marso 21.

Sa orihinal na limang Indonesian nationals na dinukot ng Abu Sayyaf terrorists sa katubigan ng Tambisan, Malaysia noong Enero 17, 2020, isang Daeng Akbal Labaa na ang namatay dahil diumano sa heart attack. Nakuha ang kanyang bangkay sa clearing operation noong Setyembre 28, 2020.

Dinala diumano ang mga biktima sa Patikul, Sulu ng grupo ng mga teroristang pinangunahan ng Abu Sayyaf sub-leaders na sina Ben Wagas, Apo Mike, at Injam Yada bago ang rescue operation.

Tinanggap ni Charge d’affaires Widya Rahmant ang apat na kidnap victims. Kasama rin sina Indonesian Defense Attaché Colonel Reza Suud at Army Attaché Colonel Sigit Himawan sa naganap na turnover.

“On behalf of the Government of Indonesia, we are forever grateful for the support and immediate actions to save the victims,” pahayag ng Charge d’affaires.

“This noteworthy accomplishment was a concerted effort with our counterparts from the Philippine National Police and the Local Government Units in Sulu and Tawi-Tawi. It is a clear manifestation that through cooperation and vigilant support from various stakeholders through a whole-of-nation approach we can effectively fight and prevent the spread of terrorism,” sinabi naman ni AFP Chief of Staff Sobejana.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.