DISPLACED INFORMAL WORKERS, KUKUNIN NG DOLE BILANG CONTACT TRACERS

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inihayag ng Department of Labor and Employment na kukunin umano nito ang displaced informal workers bilang contact tracers sa ilalim ng emergency employment program nito upang makatulong sa pagpapababa ng COVID-19 infection rate sa NCR Plus.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kinakailangan lamang umanong sumailalim sa training ang mga ito sa pangunguna ng kani-kanilang lokal na pamahalaan upang maging contact tracer sa loob ng sampu hanggang 15 araw.

Ayon pa kay Sec. Bello, inirekomenda na rin umano niya ito sa mga lokal na pamahalaan na kasalukuyang nasa enhanced community quarantine sa nagdaang pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force.

“I was talking with Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, and he mentioned about DILG’s funding issues, that is why I volunteered for the emergency employment program of DOLE,” pahayag ni Sec. Bello.

Dagdag pa niya, “There is an urgent need to strengthen the contract tracing efforts in the country and displaced and disadvantaged workers under the emergency employment program of the Department will be hired as contact tracers.”

Sa pamamagitan umano ng pagkuha ng mga displaced workers bilang contact tracers, tataas ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng contact tracing.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers Program, magkakaroon ng oportunidad ang mga displaced workers na magkaroon ng trabaho sa loob ng sampu hanggang 30 araw.

Samantala, nakasalalay na sa DILG ang pagsasanay sa mga displaced workers upang maging contact tracers.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.