DOH: ‘₱26 – ₱50 nararapat na SRP ng face shields’

Ni Raiza F. Cabugwang
(Photo credit: Philippine Information Agency)

Upang maiwasan ang overpricing ng face shield kasabay ng pagtaas ng demand nito sa merkado, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na ang suggested retail price (SRP) ng protective gear na ito ay nararapat na nasa P26 hanggang P50 lamang.

Ito ang tugon ng DOH sa hiling ng Department of Trade and Industry noong Lunes na magpataw ang Kagawaran ng SRP para sa face shield alinsunod sa utos naman ng Department of Transportation na gawin nang mandatory ang pagsusuot nito sa mga pampublikong sasakyan simula Agosto 15.

Kamakailan ay inanunsyo rin ang parehong hakbang ng Department of Labor and Employment para sa mga empleyadong pumapasok sa kani-kanilang tanggapan upang patuloy na makontamina ang paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon naman sa DOH, pahihintulutan nila ang pagtaas ng hanggang 10% ng nasabing SRP sa Visayas at Mindanao bilang sagot sa distribution cost na gugugulin dito.

Bukod sa pagtatalaga ng SRP, binigyang-diin din ng Kagawaran na ang mga ibebentang face shield ay nararapat na gawa sa clear plastic o acetate material at dapat na makakakita pa rin nang malinaw ang magsusuot nito. 

Dapat ding fog resistant ito, may adjustable band na pwedeng ikabit sa palibot ng ulo, at ito ay komportable sa noo ng nagsusuot. Kailangan ding gawa ito sa matibay na materyales na madaling linisin, i-disinfect, itapon, o gamiting muli.  

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsagawa ang DOH ng survey sa mga malalaking botika at sa mga nagbebenta online upang malaman kung magkano ang bentahan ng face shield sa mga ito. 

“Nagpagawa kami ng informal lang naman or local survey, parang study on the market kung magkano talaga yung ino-offer na prices among the different big drugstores. Also looking at online na mga bentahan para makita natin range ng prices na meron tayo,” pahayag ng tagapagsalita ng Kagawaran. 

Kumunsulta rin aniya sila sa mga eksperto upang alamin ang mga materyales na akma para sa face shields at siguruhing mapo-protektahan nito ang publiko laban sa COVID-19.

Ayon naman kay DOH Director for Health Promotion Bureau Beverly Ho, ang face shields ay hindi dapat gamiting panghalili sa face masks, bagkus ay dapat isuot ito kasabay ng face mask bilang dagdag-proteksyon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.