DOH babantayan ang mga barangay kontra COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
(Photo credit: National Task Force Against COVID-19)

Babantayan ng Department of Health (DOH) ang mga barangay bilang bahagi ng kanilang “community-focused strategy” sa pagpigil ng paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo ng DOH noong Agosto 3 matapos lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular na sa mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, kabilang na ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. 

Base sa datos ng DOH, ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ay mula sa mga lugar na may “kumpulan ng kaso”. Kaya kung matututukan ang kada barangay sa pamamagitan ng community-focused strategy, mas matutugunan ng DOH ang problema mula sa ugat nito. Isa sa kanilang nakikita ay ang mas mahigpit na localized lockdowns at pagpapatupad ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) simula Agosto 3, 2020.

Ang CODE ay isang patient and community-focused response strategy na may mga mahahalagang bahagi hango mula sa Prevent-Detect-Isolate-Test-Treat strategy ng DOH.

Sa ilalim ng CODE, magkakaroon ng community engagement activities na naglalayong isulong ang mga gawi na maaaring makapigil sa pagkakaroon at paglaganap ng nasabing virus, ng active case finding sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kabahayan kung may sintomas ba ng COVID-19 ang mga naninirahan dito, RT-PCR testing para sa symptomatic na mga pasyente, at ng Oplan Kalinga application, kung saan tutulungan ng local government units (LGUs) na mailipat sa quarantine facility ang mga asymptomatic at mild cases na pasyente ng COVID-19 ngunit walang maayos na home quarantine setup para makapagpagaling. 

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ibibigay ng national government ang suporta sa LGUs, partikular na sa mga lugar na may high-risk community transmission at iyong mga lugar na limitado lang ang kapasidad at mapagkukunan.

Sa tulong ng CODE, mabibigyan din ng panahon ang health care workers na makabawi mula sa pagkapagod at makapaglalaan din ng oras ang DOH na makapagbalangkas ng substitution team na makatutulong sa pagpapalakas sa health care workforce ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.