DOH: COMMUNITY PANTRIES MAKATUTULONG SA MGA MAMAMAYAN

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Unang una, nire-recognize natin ang effort ng ating mga kababayan na talagang tutulong sila sa ating mga nangangailangan.” 

Ito ang ipinahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay ng pag-usbong ng community pantries sa bansa. 

Malayang nakakakuha ng suplay ng pagkain ang mga residenteng nangangailangan sa isang community pantry.

Ang konsepto ng community pantry ay nagsimula noong nakaraang linggo sa isang komunidad sa Quezon City. Naging inspirasyon naman ito sa agarang pag-usbong ng iba’t iba pang community pantries sa bansa. 

Sa inisyatibang ito, hinihikayat ang mga residente na magbigay ayon sa kakayahan o kumuha naman base sa pangangailangan. 

Ayon sa Kagawaran, ang community pantries na naglalayong matulungan ang mga pamilyang nangangailangan sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic ay makatutulong sa pagpapabuti ng kalusugan at kaisipan ng mga mamamayan. 

“Hindi kailangan namang itigil dahil sa tingin ko, malaking tulong ito both sa physical wellness and mental wellness ng ating kababayan. ‘Yon pong nakikita nila na may handang tumulong ay malaking bagay po ‘yan para sa kumpyansa at wellness nga ng taong bayan,” saad ni Vergeire, na tagapagsalita rin ng DOH. 

Sinabi naman ni Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government na isa aniyang patunay ang community pantry sa buhay na espiritu ng bayanihan sa bansa, kung saan ang may kakayahan ay nagbabahagi ng kanilang mga biyaya at iyong mga nangangailangan naman ay kumukuha lamang nang sapat sa  kanilang pangangailangan. 

“Amidst the challenges, our inherent goodness has emerged and it is this love of community and country that will carry us through,” saad ni Usec. Malaya. 

Sa gitna nito, hiningi naman ng DOH ang tulong ng mga lokal na pamahalaan upang tiyakin na nasusunod pa rin ang mga panuntunan para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19, katulad ng pagtalima sa physical distancing. 

Nanawagan din si Usec. Vergeire sa local government units na alalayan ang mga bumubuo ng naturang community pantries at bigyang-gabay ang mga mamamayan upang sila ay makapila nang maayos habang kumukuha ng kanilang suplay ng pagkain para maiwasan ang paglaganap ng virus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.