DOH: ‘COVID-19 RECOVERY RATE NG PINAS NASA 91% NA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo credit: pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa 361,638 katao o 91 porsiyento ng 396,395 na mga indibidwal na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa mula Enero ang gumaling na mula sa naturang sakit.

Ito ang ibinalita ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Nobyembre 8. Sa pinakahuling case bulletin na inilabas nito sa parehong araw, ipinahayag ng Kagawaran na noong Linggo ay may 11,430 katao ang naidagdag sa listahan ng mga nakaalpas na mula sa naturang sakit.

Maituturing na magandang balita ito, lalo pa’t matatandaang kamakailan lamang ay iniulat ng World Health Organization na nasa ika-25 na pwesto ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Mayroon namang 2,442 na mga bagong kumpirmadong kaso ang naitala, sapat upang maiangat ang bilang ng mga aktibong kaso sa 27,218 katao. 

Sa mga aktibong kaso, nasa 82 porsiyento rito ang itinuturing na mild cases, 9.6 porsiyento naman ang mga asymptomatic, 5.4 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon, samantalang 3.1 porsiyento naman ang nasa lubhang malalang kalagayan.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na 13 ng mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang case data sa itinakdang oras kaya’t hindi naisama ang anumang kasong naitala ng mga ito sa kasalukuyang bilang ng mga aktibong kaso.

Karamihan sa mga bagong kasong naitala ay mula sa probinsya ng Rizal na may 138 na mga bagong nagpositibong indibidwal, at mula rin sa siyudad ng Maynila na nakapagdagdag ng 131 na mga bagong kaso, ang Benguet na nakapag-ulat ng dagdag na 130 biktima ng virus, at Bulacan na nagsumite ng panibagong 112 na kaso.

Mayroon namang 54 katao ang naidagdag sa tala ng mga pumanaw mula sa nasabing karamdaman, kung kaya’t pumalo sa na 7,539  o 1.90 porsiyento ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ang bilang ng mga sumakabilang-buhay na bunsod ng virus. Sa kabuuang bilang na ito, 39 ang naitala ngayong Nobyembre, 12 naman noong nakaraang buwan, dalawa noong Setyembre, at isa noong Agosto.

“Eight duplicates were removed from the total case count. Of these, three were recovered cases. Moreover, five cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths,” paliwanag ng DOH.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.