DOH: ‘COVID-19 VACCINES PARE-PAREHONG LIGTAS, EPEKTIBO KAPAG NAAPRUBAHAN NA PARA SA EMERGENCY USE’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“‘Pag lumabas sa FDA [Food and Drug Administration] with EUA [emergency use authorization], we are assuring you na ligtas ‘’yan at ito ay epektibo sa inyo. Hindi kailangan mamili.” 

Ito ang tiniyak ni Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire upang mapawi ang agam-agam ng publiko hinggil sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na binuo ng iba’t ibang kumpanya at nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan sa oras na ang mga ito ay mabigyan ng EUA ng FDA.

Sa pamamagitan ng EUA, maaari nang limitadong magamit ng isang bansa ang COVID-19 vaccines na nasa ilalim pa lamang ng clinical trials. Sa halip na sumailalim ang isang bakuna sa nakagawiang anim na buwang approval period ng FDA, maaaring maaprubahan ang EUA application ng isang vaccine developer sa loob lamang ng 21 na araw. 

Saad ng tagapagsalita ng Kagawaran, dapat tandaan ng publiko na ang COVID-19 vaccines na ipamamahagi ng pamahalaan ay magbibigay-proteksyon para sa mga Pilipino.

Dadaan din aniya ang naturang mga bakuna sa masusing regulatory process ng pamahalaan.

Ipapaalam din aniya sa mga mamamayang bibigyang-prayoridad sa pagbabakuna kung saang brand magmumula ang COVID-19 vaccine na kanilang matatanggap.

“Pantay pantay na po ‘yan pag dumaan sa FDA. Pare-pareho pong ligtas at pare-parehong efficacious. So, pag dumating po ang bakuna, hindi pwedeng sabihin ng isang health care worker na ayoko niyan. If he does that — dahil may informed consent naman — hindi pipilitin pero they would have to go to the bottom (end) of the line,” paliwanag ni Usec. Vergeire.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.