DOH, DTI NAGTAKDA NA NG PRICE CAP SA COVID-19 TESTS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagtakda na ang pamahalaan ng halagang maaaring lamang ipataw sa pagsasagawa ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR tests.  

Ito ay kaugnay sa mga reklamong natanggap nito tungkol sa napakamahal na singil sa publiko para sa nasabing COVID-19 test.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Miyerkules, Nobyembre 25, na maaari lamang maningil ng mula P4,500 hanggang P5,000 para sa nasabing test ang mga pribadong ospital at laboratoryo, samantalang hanggang P3,800 lamang ang pinahihintulutang presyo para sa swab test na isasagawa ng mga pampublikong pasilidad. 

Nilagdaan ng DOH at Department of Trade and Industry noong Martes, Nobyembre 24, ang isang kasunduan tungkol sa naturang COVID-19 test price range alinsunod sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Health Secretary Duque, ibinase ang napagpasyahang presyo sa kanilang isinagawang market survey, at maaari pa aniya itong magbago depende sa kalalabasan ng gagawing buwanang pag-aaral ukol dito.

Dagdag pa ng Kalihim, ang mga pribadong pasilidad ay pinapayagang maningil ng mas mababa kumpara sa itinakdang presyo ng pagsusuri ngunit hindi aniya pwedeng lumagpas sila sa P5,000 kahit pa sa rush test results.

Hinikayat din ni Secretary Duque ang mga pampribadong sektor na huwag abusuhin ang COVID-19 price range na itinakda ng gobyerno sa pamamagitan ng paniningil ng napakalapit sa ibinigay na price cap.

“Hindi maganda na nagkaroon ka nga ng range tapos itotodo nila sa allowable ceiling. Pwedeng bumaba sila sa ating doon sa ating price ceiling pero huwag silang lalampas doon,” pahayag ni Duque. 

Ang mga hospital at laboratoryong mapapatunayang lumampas sa nabanggit na price range ay pagmumultahin ng hanggang P30,000 at sususpendihin ang lisensya nito sa loob ng isang buwan. Maaaring tuluyan nang matanggalan ng lisensya ang pasilidad sa oras na nilabag nito ang nasabing kautusan ng hanggang tatlong beses.

Inilahad ni Duque na pag-aaralan din nila ang pagtatakda ng limitasyon sa presyo ng test kits at antigen testing.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.