DOH: GAMOT SA GOUT, WALA PANG EBIDENSYANG EPEKTIBO KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabala si Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa publiko laban sa paggamit ng anti-inflammatory drug na colchicine. 

Ito ay matapos magpahayag ang mga mananaliksik mula sa Montreal, Canada na maaari raw mabawasan ng nasabing gamot ang tsansa ng pagkamatay sa mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Ang colchicine ay dati nang ginagamit upang mapigilan o magamot ang gout.

Ayon sa tagapagsalita ng Kagawaran, bagama’t pinaniniwalaan ng mga doktor ng bansa na may potensyal ang colchicine na maging gamot laban sa COVID-19 dahil sa taglay nitong anti-inflammatory properties, kinakailangan pa aniya ng sapat na ebidensya upang mapatunayan ang bisa nito laban sa nasabing sakit.

Pinayuhan ni Usec. Vergeire ang publiko na hintayin na lamang ang mga panuntunan ng DOH ukol sa naturang gamot kung sakaling maaaprubahan ito bilang isang off-label na panlunas laban sa COVID-19. 

Pinaalalahanan din niya ang publiko na ang isang off-label drug, o ang isang gamot na ginagamit bilang panlunas sa isang karamdaman na hindi naman nakalagay sa naaprubahang packaging label nito, ay maaari lamang inumin kung ito ay inireseta ng doktor.

“Atin pong pakinggan ang payo ng Department of Health. Antayin ninyo pong maglabas kami ng specific na guidelines kung saka sakaling papayagan nating gamitin ito para sa ating populasyon. Sa ngayon po, wala pa ho tayong binibigay na advice na gamitin na ito para sa COVID-19. Kung saka-sakaling gagamitin po ito, hindi po ito pwedeng bilhin over the counter at inumin sa bahay. Ito po ay gagawin do’n po sa may supervision ng ating mga doktor at maaaring sa ospital lang,” paliwanag ni Vergeire.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Montreal Health Institute (MHI) na base sa clinical trials na isinagawa sa Canada, Estados Unidos, Europa, South America, at South Africa, dahil sa  colchicine, nabawasan anila ng 21 porsyento ang panganib na maospital o mauwi sa pagkamatay ang mga kaso ng COVID-19. 

Dagdag pa ng MHI, sinuri nila ang bisa ng colchicine sa halos 4,500 na mga indibidwal na may COVID-19, pero hindi naospital sa panahon na ang mga ito ay sumailalim sa naturang trials.

“This is the world’s largest study testing an orally administered drug in non-hospitalized patients with COVID-19,” pahayag ng MHI sa isang press release na inilabas noong Enero 23.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.