DOH HINIKAYAT ANG FILIPINO MUSLIMS NA IPAGDIWANG ANG EID’L FITR SA LOOB NG TAHANAN PARA IWAS SA VIRUS

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hinikayat ng Department of Health ang Filipino Muslims na ipagdiwang ang Eid’l Fitr sa kani-kanilang mga tahanan upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa sa virus.

Ngayong Miyerkules, Mayo 12, inaasahang gaganapin ang Eid’l Fitr sa bansa at payo ng DOH, “[The] DOH strongly recommends praying and celebrating Eid at home to keep yourself and your family safe from COVID-19.”

Para naman sa mga nais lumabas at pumunta sa pook sambahan, pinaalala ng DOH sa mga Filipino Muslims na sumunod pa rin sa itinakdang health protocols.

“Always observe physical distancing of at least one meter, and wear your face mask and face shield properly. Ensure there is proper ventilation in place of gathering and limit interaction to 15 minutes. Always wash or sanitize your hands, especially after touching high-touch surfaces,” paalala ng DOH.

“If you feel any symptoms, do not attend any gathering,” muling paalala ng DOH.

Mas mainam din umano na ibukod ang sarili matapos dumalo sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr at sumailalim sa 14-day quarantine upang hindi mahawa ang mga kapamilyang hindi dumalo o nanatili lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Kung may maramdamang sintomas tulad ng lagnat, ubo, panghihina, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, pananakit ng katawan atbp, agarang makipag-ugnayan umano sa pinakamalapit na Barangay Health Emergency Response Team o tumawag sa DOH telemedicine hotlines.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.