DOH: HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION PARA LAMANG SA SENIOR CITIZENS, MAY MALUBHANG KARAMDAMAN

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ng Department of Health na limitado lamang sa mga bedridden, may malubhang karamdaman, at senior citizens na walang kapasidad na pumunta sa vaccination centers ang gagawing house-to-house na pagbabakuna ng COVID-19 vaccines.

“Ang general policy sa vaccination ay fixed site. Pwede sa hospital, pwede ring fixed site na offsite. Pwede sa gymnasium at eskwelahan,” paglilinaw ni Undersecretary for field implementation and vaccination coordination Myrna Cabotaje.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad na rin sa ilang siyudad ang house-to-house vaccination para sa senior citizens.

Mayroon na umanong inilabas na guidelines ang DOH sa mga lokal na pamahalaan upang maayos na maipatupad ang programang ito.

“May advisory kami sa mga ganitong kaso na pwedeng magpadala ng team. Mayroon sa Taguig na home service vaccination. Kailangan may screening na OK sa doktor nila,” ani Usec. Cabotaje.

Dagdag din niya, “Alam naman natin marami sa mga ating senior citizen, ‘yung may comorbidities hindi makaalis ng bahay. So binigyan namin ng guidance na pwedeng gawin ito ng local government units.”

Sa mga hindi naman pasok sa criteria, pinapaalalahanan ng DOH na kailangan pa rin ng mga ito na pumunta sa vaccination centers upang mabakunahan.

“Kasi ‘di gaya sa ibang vaccination na pwedeng umuwi pagkabakuna. Kasi (emergency use application) lang ito, mino-monitor natin kung ano ang mga side effect. Maghihintay ng 30 minutes to one hour,” paliwanag ni Usec. Cabotaje.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.