DOH: ‘MALING PAGGAMIT NG GENERATOR MAAARING MAKAPAMINSALA, MAKAMATAY’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of facebook.com/OfficialDOHgov
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabala ang Department of Health (DOH) kamakailan lamang laban sa paglalagay at paggamit ng generator sets sa loob ng bahay o kaya sa mga kulob na lugar. 

Ito ay matapos maiulat ang pagkasawi ng tatlong katao sa Albay sanhi ng umano’y pagkalason mula sa carbon monoxide na galing sa naturang alternatibong pinagkukunan ng kuryente.

Nitong mga huling linggo ay sinalanta ng sunod-sunod na bagyo ang bansa na nagdulot naman ng pagkawala ng kuryente sa maraming lugar. Dahil dito, tumaas ang bilang ng mga taong gumamit ng mga generator set upang magkaroon ng temporaryong pagkukunan ng kuryente.

Muling pinaalalahanan ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire ang mga mamamayan na ang carbon monoxide, na isang uri ng gas, ay may masamang epekto sa kalusugan na maaaring maging sanhi ng pagkamatay.

Nauna nang naglabas ang Kagawaran ng public advisory tungkol sa mga panganib na dulot ng paggamit ng generator sa loob ng mga kabahayan.

Ayon sa National Health Service ng United Kingdom, sa oras na malanghap ng isang indibidwal ang carbon monoxide, maaari itong pumasok sa daluyan ng dugo at humalo sa hemoglobin ng tao, o ang bahagi ng red blood cells na nagdadala ng oxygen sa katawan. Kapag nangyari ito, hindi na makakapagsuplay ng oxygen ang dugo, na siya namang magiging dahilan ng pagkaparalisa ng cells at tissues ng katawan at pagkamatay.

Kadalasang sintomas ng pagkalason mula sa carbon monoxide ay ang pananakit ng ulo, pagkahilo, pag-igsi ng hininga, pagkalito, at pagsusuka. 

Pinapayuhan ang lahat ng makakaramdam ng ganitong mga sintomas ng carbon monoxide poisoning na sumangguni agad sa pinakamalapit na pasilidad pangkalusugan.

“We remind everyone not to put generator sets inside their homes, in enclosed settings because carbon monoxide will form and will be inhaled by family members,” pahayag ng tagapagsalita ng Kagawaran.

Dagdag pa ni Usec. Vergeire, kinakailangang nasa 20 talampakan ang layo ng generator set mula sa tahanan o sa espasyong paggagamitan nito, at kung maaari ay gumamit ng battery-packed na uri nito.

“But anyhow, if it is really needed to use generators in these times of calamity, just don’t put these inside your houses because they may cause harm,” pagpapatuloy ni Vergeire.

Inirerekomenda rin ng DOH na tiyaking gumagana nang maayos ang exhaust system o vent ng generator set bago ito gamitin. 

Dapat din aniyang laging sundin ang safety instructions mula sa manufacturer ng biniling generator set at magsagawa ng regular na maintenance upang masigurong napapanatili ang kalidad nito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.