DOH: ‘MGA GUMALING MULA SA COVID-19, MAAARI NANG AGAD MAGPABAKUNA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinahihintulutan na ng Department of Health (DOH) na agad magpabakuna ang mga gumaling na mula sa COVID-19.

“Section III E.5 of Department Circular No. 2021-0157 is amended for simplification that all vaccine recipients who contracted COVID-19 may be vaccinated after recovery or completion of treatment, whether for first or second dose, without restarting the vaccine dose schedule,” saad ng revised memorandum na inilabas ng Kagawaran noong Abril 8, 2021.

Sa dating polisiya ng DOH, kinakailangan pang mag-antay ang COVID-19 survivor ng 14 na araw matapos siyang gumaling sa sakit bago siya payagang mabakunahan laban sa virus. Ngunit, kamakailan lamang ay sinabi ng Kagawaran na ayon sa pinakahuling mga ebidensyang kanilang nakalap, maaari nang turukan agad ng COVID-19 vaccine ang mga gumaling na mula sa nasabing karamdaman.

Dati ay kinakailangan din munang mag-antay ng 90 na araw ang mga indibidwal na may history o dati nang naapektuhan ng COVID-19 bunsod ng limitadong suplay ng bakuna sa bansa. Ayon sa naunang pag-aaral, sa loob ng 90 na araw ay maaari pang maiwasan ng COVID-19 survivor ang muling pagkahawa sa sakit dala ng natural antibodies na nabuo sa katawan nito matapos itong unang mahawa sa virus.

Subalit, ayon kay Dr. Rontgene Solante, na miyembro ng vaccine experts panel ng bansa, mas magandang mabakunahan ang COVID-19 survivor sa lalong madaling panahon.

“Remember, when you recover from this infection, you may have the natural antibody coming from that recovery, but that antibody may not last long, so they can still have a reinfection,” ani Solante. “That’s the reason why we don’t need to wait [for 90 days] if there’s an opportunity.”

Hindi na rin aniya kinakailangan pang mag-antay ng 90 na araw iyong mga may mataas ang tsansang mahawa sa virus, tulad ng  healthcare workers, senior citizens, at mga indibidwal na may comorbidities o iyong mga kasalukuyang may iniindang matinding karamdaman o banta sa kalusugan, na siya ring prayoridad sa libreng pagbabakuna laban sa COVID-19 na programa ng pamahalaan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.