DOH: ‘Mga laboratoryo pwedeng maglabas ng resulta ng COVID-19 tests’

Ni Raiza F. Cabugwang
(Photo credit: National Task Force Against COVID-19)

Binigyang-linaw ng Department of Health (DOH) noong Lunes na pinahihintulutan nito ang mga testing laboratory na ipagbigay-alam sa indibidwal na sinuri ang resulta ng kanyang COVID-19 test, maging positibo o negatibo man ito.

Naglabas ng pahayag na ito ang DOH makaraang sabihin ni Senator at Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon na pinapayagan lamang ng Kagawaran ang mga laboratoryo na direktang maglabas ng resulta ng kanilang pagsusuri kung ang indibidwal na sinuri ay nagnegatibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ayon pa sa Senador, kung ang indibidwal na sinuri ay nagpositibo naman sa virus, kinakailangan pa aniyang isumite ng laboratoryo ang resulta sa DOH para ang Kagawaran na ang siyang magpapaalam sa sinuri tungkol sa resulta ng COVID-19 test nito. 

Ito aniya ang naging dahilan kung bakit may mahigit 5,000 katao pang nagpositibo sa naturang sakit ang hindi pa naaabisuhan tungkol sa kanilang kalagayan.

“There are over 15,700 positive confirmed cases since July 30 and one-third of these people have not been informed about their status as confirmed positives and [have] been dangerously increasing community transmission,” pahayag ng Senador sa sulat na kaniyang ipinadala sa DOH.

Saad ng tagapangulo ng PRC, kung saan nagmumula ang 25% ng COVID-19 testing efforts ng bansa, napipilitan aniya ang kaniyang organisasyon na humiling sa DOH na pahintulutan ang pagpapadala ng positibong resulta sa mga pasyente sa pamamagitan ng volunteer doctors. 

Pinabulaanan naman ng Kagawaran ang pahayag na ito ng Senador at iginiit na hindi na kinakailangan pang kumuha ng permiso sa kanila ang mga laboratoryo bago maglabas ng resulta ng COVID-19 test basta’t susundin lamang ng mga ito ang DOH issuances kaugnay sa nasabing hakbang. 

“In any given setting, the responsibility of informing tested individuals or their physicians of test results falls with the laboratories,” pahayag ng Kagawaran. 

Gayunpaman, ipinaalala nito na sa ilalim ng DOH Administrative Order No. 2020-0014-A, kinakailangang magsumite ang mga laboratoryo ng karagdagang report sa local government unit na kinabibilangan ng pasyente upang maisagawa ang karampatang isolation at contact tracing procedures.

“All laboratory facilities shall provide official positive and negative results to patients and local government units through physical or electronic mechanisms, in order to facilitate immediate isolation, contact tracing, and other appropriate local actions,” dagdag pa ng DOH.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.