DOH MINOMONITOR ANG POSIBILIDAD NG ‘LONG COVID-19’ SA MGA SURVIVOR

Ni Raiza F. Cabugwang
Health Undersecretary and Spokesperson Maria Rosario Vergeire Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kasalukuyang nagsasagawa ang Department of Health (DOH) ng “passive monitoring” sa mga gumaling na mula sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang makakalap ng mga ebidensya kaugnay sa mga lumalabas na ulat tungkol sa “long COVID”.

Ito ang ipinahayag ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

Ayon kay Usec. Vergeire, ang “long COVID” ay tumutukoy sa kondisyon kung saan ang mga indibidwal na matagal nang gumaling mula sa COVID-19 ay nakakaramdam muli ng mga sintomas ng nasabing sakit tulad ng pagsakit ng ulo, hirap sa pagtulog, pananakit ng dibdib, pagkawala ng pang-amoy at panlasa, at pagkapagod. 

Base aniya sa global reports, mayroong mga pasyenteng nakakaramdam ng naturang mga sintomas ilang linggo matapos silang gumaling mula sa nasabing karamdaman. 

Dagdag pa ng tagapagsalita, nagsimula nang mangalap ang DOH ng impormasyon ukol sa naturang report mula sa survivors.

Ipinag-utos din ng Kagawaran sa mga nakaalpas na mula sa sakit na agad na ipagbigay-alam sa local health authorities kung sakaling makaramdam silang muli ng anumang sintomas ng impeksyon.

Iminungkahi rin ni Spokesperson Vergeire sa mga nag-negatibo sa kanilang COVID-19 antigen test na muling magpasuri sa pamamagitan ng reverse transcription-polymerase chain reaction o RT-PCR.

“We have to remember that when we interpret the antigen test results, if positive for COVID-19 that means the result really is positive. But when it is negative, it has to be confirmed by an RT-PCR test,” paliwanag ni Vergeire.

Samantala, nasa 359,169 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa inilabas na datos ng Kagawaran nitong Lunes, Oktubre 19. Ito ay matapos madagdag ang 2,638 na mga bagong kaso sa listahan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.