DOH PABOR NA I-EXTEND NG 1 LINGGO ANG ECQ SA NCR PLUS

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na dagdagan pa ng isang linggo ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat pang karatig probinsya upang mapigilan ng husto ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“One week really is short. We have recommended an extension but of course we have to balance it off with the economy that’s why we need enough basis for us to have this extension,” paliwanag ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nitong Lunes, Marso 29, nakapagtala ng mahigit 10,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa magmula ng magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Usec. Vergeire, mas mainam din umanong ipatupad ng dalawang linggo ang ECQ upang mas maramdaman ang epekto at pagbaba ng kaso sa bansa.

Sa ngayon umano, ang epekto ng pagpapatupad ng NCR Plus sa limang lugar na sakop nito ay nakatulong sa pagpapabagal ng pagkalat ng virus subalit aminado rin si Usec. Vergeire na masyadong maikli ang isang linggo upang makita ang epekto nito.

“That’s really short. As I’ve said, we won’t even see any changes in our numbers. We might see more numbers after this 1 week because what we’re seeing right now are the numbers 2 weeks prior to this week. We are still going to see an accumulation to these numbers for the next 2 weeks,” pahayag ni Usec. Vergeire.

Sa kanilang pag-aaral aabot sa siyam na araw bago ma-isolate ng mga health authorities ang isang taong nagpositibo sa COVID-19.

“Why so? It takes about 3 days for people to decide if they would want to seek consult for their symptoms. It takes another 2 days for them to get tested and the waiting for the results, and then eventually being isolated. It takes 9 days in average. These 9 day causes a lot of transmission already,” giit ni Usec. Vergeire.

Kung hindi rin umano ipinatupad ang hard lockdown sa NCR Plus, maaaring magtala ng 430,000 aktibong kaso ng COVID19 ang bansa sa katapusan ng buwan ng Abril.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.