DOH: ‘PAGBABAKUNA NG A4, A5 ISASAGAWA LANG MUNA SA NCR, 8 PANG LUGAR

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang sabayang pagbabakuna ng essential workers at mga mahihirap kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay isasagawa lang muna sa mga lugar na nakapagtala ng matataas na kaso ng COVID-19 habang inaantay pa na dumami ang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Cabotaje na ang naturang pagpapalawak ng sakop ng mga makakatanggap ng bakuna ay ipatutupad lang muna sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Batangas, Metro Cebu, at Metro Davao, na tinatawag ding NCR+8.

“Hinahabol natin ang volumes ng vaccine. Iko-concentrate natin sa tinatawag nating geographic areas kung saan nandoon ang surge ng cases. Ang A4 and A5 sa NCR+8 lang muna,” saad ng opisyal.

Kabilang sa A4 na kategorya ang essential workers, frontliners sa mga tanggapan ng national government, at uniformed personnel, tulad ng mga tauhan ng militar at kapulisan. Nabibilang naman sa A5 na kategorya ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

Hindi pa tiyak kung kailan magsisimula ang pagbabakuna sa mga nabibilang sa naturang mga kategorya. Ani Usec. Cabotaje, target na masimulan ito sa susunod na linggo, ngunit dedepende pa rin aniya ito sa kahandaan ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ng nasa 12 milyong indibidwal na kabilang sa A4 na kategorya at 16 milyong kataong nabibilang sa A5 na kategorya.

Noong Lunes, Mayo 17, 2021, iminungkahi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na simulan na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa essential workers at mga mahihirap upang tiyaking walang masasayang na COVID-19 vaccines.

Ang mga bakunang nagmula sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX, na siyang nagtitiyak ng pagkakapantay-pantay ng distribusyon ng mga bakuna sa mga bansa, ay maaari lamang ipamahagi sa mga indibidwal na nabibilang sa mga kategoryang A1, na kinabibilangan ng healthcare workers; A2, kung saan kasama ang senior citizens; A3 o mga indibidwal na may comorbidities o iyong may dalawa o higit pang iniindang karamdaman; at A5. Iyong mga doses ng bakuna na binili ng pamahalaan ay maaari namang ipamahagi sa mga nabibilang sa A1 at A4 na mga kategorya.

Samantala, ang mga pangunahing kampo ng militar at pulisya, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, ay gagamitin bilang vaccination sites para sa mga nasa A4 at A5 na kategorya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.