DOH: ‘PAGGAMIT NG TOROTOT, PITO SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON, BAWAL NA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Disyembre 10, na sa pagsalubong ng darating na Bagong Taon ay bawal na ang paggamit ng torotot, pito, trumpeta, at iba pang pampaingay na magiging sanhi ng pagkalipat ng laway.

Ito ay upang mapigilan ang pagkahawa sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Ang isang kakaiba ngayon, huwag gumamit ng pampaingay na gumagamit ng bibig that will cause transfer of saliva, mga pito, mga torotot, bawal po ‘yan,” pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

Ayon sa health official, maaari aniyang gamitin ang tambol, busina ng kotse, mga kaldero o kawali, o kaya naman ay alkansiya, bilang mga alternatibo at mas ligtas na pampaingay.

Nanawagan rin ang Kagawaran sa publiko na hangga’t maaari ay kumain ng sariwa at masustansyang pagkain sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. 

Iwasan rin aniya ang pagdalo sa mga malakihang pagtitipon na maaaring mauwi sa paglaganap ng virus.

Samantala, hinikayat naman ni DOH Secretary Francisco Duque III ang publiko na sa pamimili ng regalo sa mga mahal sa buhay ay piliin iyong mga ligtas at makakapagpalakas ng katawan.

“When planning for the holiday gift-giving, think of ligtas na regalo — which gifts can make them safe? One thing we recommend are face masks which may serve as a constant reminder to the recipient to wear one,” ani Secretary Duque.

Iminungkahi rin ng Kalihim ang face shields at mga masusustansyang pagkain, tulad ng prutas at mga kagamitang pang-ehersisyo, na makakatulong upang mas lumakas ang resistensya ng pagreregaluhan.

Dagdag pa ni Health Secretary Duque, mas maigi at ligtas rin aniya kung gagawa na lamang ng “do-it-yourself” o DIY gifts sa halip na dumayo pa mismo sa mga pamilihan para mamili ng ipangreregalo.

Iginiit din ni Duque na nararapat ding tiyaking ligtas ang mga regalo sa mga kabataan. Ipinaalala ng Kalihim na laging suriin ang warning labels ng mga laruan.

“We can also give DIY gifts that will not require us to go shopping, like handmade cards, arts and crafts, or a video. Such gifts make it more personal, and also keep you from going to crowded places; thus, reducing the risk of acquiring or transmitting the virus. After all, a safer holiday celebration is the best gift we can give to our loved ones,” pahayag ni Duque.

Ayon pa sa Kalihim, bagama’t pababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay malayo pa rin aniya ito mula sa estado ng pagiging lubusang ligtas mula sa pandemya, kung kaya’t kinakailangan na patuloy pa rin na maging mapagmatiyag at maingat ang publiko upang maiwasang mahawa mula sa virus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.