DOH: ‘PAMAHALAAN HANDANG-HANDA NA SA PAG-ARANGKADA NG COVID-19 VACCINATION SA BANSA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, handang-handa na ang pamahalaan sa pagsisimula ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination program nito ngayong araw ng Lunes, Marso 1, 2021.

Nasa 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Sinovac Biotech ng China ang dumating na sa bansa noong Linggo, Pebrero 28.

Mula sa Villamor Airbase, unang dinala ang mga suplay ng bakuna sa storage facility nito sa Marikina City. Pagkatapos ay inihatid naman ang mga ito sa pitong mga ospital sa Metro Manila na bibigyang-prayoridad sa pagbabakuna. 

Ang naturang mga ospital ay kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), Philippine National Police General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center. 

“Sa ngayon wala tayong nakikitang [problema], we are very much prepared. Kagabi hanggang madaling-araw, tayo po ay nagdala ng mga bakuna sa mga iba’t ibang ospital na ito para ma-secure na po nila roon sa loob ng kanilang ospital,” pahayag ni Vergeire, na tagapagsalita rin ng DOH. 

Inaasahang magsisimula na rin ngayong linggo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga probinsya, partikular na sa Cebu at Davao. 

Ani Vergeire, nakatutok sa Metro Manila ang pag-arangkada ng COVID-19 vaccination program sa Pilipinas dahil ito ang itinuturing na epicenter o sentro ng pandemya sa bansa. 

“Pagkatapos po, ‘pag dumating na ‘yong mga ibang supply natin pupunta na tayo sa ibang rehiyon,” paliwanag ni Usec. Vergeire. 

Sa nabanggit na doses ng kauna-unahang batch ng bakuna na dumating sa bansa, 500,000 sa mga ito ang nakalaan para sa medical frontliners at 100,000 naman ang para sa mga sundalo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.