DOH pinag-aaralan ang saliva testing para sa COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
(PHOTO CREDIT: ROBERT OSWALD P. ALFILER - PNA)

Kinokonsidera ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng paggamit ng saliva o laway bilang sample para makita ang presensya ng SARS-CoV-2, ang strain ng virus na sanhi ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa isang indibidwal.

“‘Yong saliva, pinag-aralan as a sample or as a specimen that we can use. Tinitingnan ng ating lab experts panel kasi mas magiging madali kapag laway lang ang gagamitin. Pero marami nang pinakita sa amin ang lab experts panel na medyo mas tedious siya kasi minsan laway, may ibang particles ng pagkain. So marami tayong pinag-aaralan ukol diyan,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Usec. Vergeire, halos isang buwan nang pinag-aaralan ng Kagawaran ang uri ng COVID-19 testing na ito.

Nilalaktawan ng saliva-based testing ang nucleic acid extraction process kung kaya’t inaasahang mas mabilis ang pagkuha ng resulta mula rito. Hindi na rin ito kinakailangang samahan pa ng nasopharyngeal swab na karaniwan nang ginagawa kaya’t sinasabing mas magiging mura at mas mabilis ang proseso nito.

Samantala, kasalukuyang ginagamit na rin ang saliva-based COVID-19 testing sa Estados Unidos. Ito ang ginamit na paraan ng pagsusuri sa staff at players ng National Basketball Association.

Ito ay matapos maglabas ang United States Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa tinatawag na Salivadirect na binuo ng mga mananaliksik mula sa Yale School of Public Health.

Nakita sa mga pag-aaral na nasa mahigit 94% ang agreement rate sa mga sample na ginamitan ng naturang pamamaraan ng pagsusuri. 

Sinubukan na rin sa Sheba Medical Center, pinakamalaking ospital sa Israel, ang tinatatawag na ultra-quick saliva coronavirus test, kung saan pinagmumog ang isang pasyente at saka idudura sa isang vial na siya namang susuriin sa isang maliit na spectral device. Nasa 95% umano ang accuracy rate nito.

Sa kabila nito, ipinaalala ng DOH na nananatiling real-time reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test pa rin ang gold standard sa pagsusuri ng COVID-19. 

Pinag-aaralan din ng DOH ang posibilidad na makatulong ang pooled testing sa pagpapaigting ng COVID-19 testing capacity ng bansa.

Sa pamamaraang ito, susuriin sa pamamagitan ng isang RT-PCR test ang swab samples ng iba’t ibang indibidwal. Kapag may nagpositibo mula rito, isa-isang susuriin ang mga indibidwal na pinagmulan ng mga specimen upang matukoy kung aling specimen ang talagang apektado ng coronavirus. Samantala, kung magnegatibo naman ang resulta ay hindi na sila kinakailangan pang sumailalim sa individual testing.

Ayon naman sa DOH, ginagawa lamang ang pooled testing sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

“When there are a lot of cases in an area, siyempre ‘pag nag-pool of 10 ka, sa 100, baka lahat ng pool mo ay positive, kasi marami na ngang positive doon sa lugar. So usually, we do this in low-prevalence areas,” paliwanag ni Usec. Vergaire. 

Paalala naman ng mga eksperto tungkol sa pag-usbong ng iba’t ibang paraan sa pagsusuri ng COVID-19, kinakailangan anilang tingnan ang ebidensya ng mga ito bago gamitin.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.