DOH PINAG-AARALAN NA ANG PAGBERIPIKA SA VACCINATION CARDS MULA SA IBANG BANSA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Naghahanap na ng paraan ang pamahalaan sa pagberipika ng COVID-19 vaccination cards na nagmula sa ibang bansa upang makatulong sa pagpapaikli ng quarantine period ng mga indibidwal na nakatanggap ng bakuna sa ibang bansa.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang implementasyon ng Department of Health ng 10 araw na quarantine period sa foreigners, overseas Filipino workers, at mga nagbalik-bayan mula pagdating sa bansa kasunod ng apat na araw pang quarantine period sa kanilang probinsya, kahit pa kumpleto na ang mga ito sa bakuna.  

Samantala, nilinaw ng DOH na ang pinaiksing pitong araw na quarantine period ay para lamang sa mga balikbayan na tumanggap ng kumpletong bakuna sa bansa.

“We are still looking for means to verify vaccinations from other countries. And this can be in the form of bilateral agreements with specific countries or we may use the system used by the Bureau of Quarantine which is internationally recognized,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nanawagan naman si Usec. Vergeire sa publiko ng pang-unawa sa mabagal na pagluwag ng quarantine restrictions sa bansa.

“We will do this gradually because we still see … a slight increase of cases in the country, and secondly, we have not yet vaccinated that many [people],” paliwanag ni Usec. Vergeire.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang ipinasang panukala ng Inter-Agency Task Force para sa mas maikling quarantine period.

Ani Concepcion, malaking tulong ang pagluwag ng mga restriksyon upang muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Iminungkahi rin niya ang paggamit ng digital vaccination cards sa bansa upang mas mapabilis ang verification process para sa local o international travel.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.