DOH POSIBLENG HINGIN ANG TULONG NG PHARMACISTS, MIDWIVES SA PAGSASAGAWA NG MASS IMMUNIZATION LABAN SA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring hingin nila ang tulong ng mga parmasyotiko at komadrona sa bansa sa pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19. 

Sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na sa ilalim ng Philippine Pharmacy Act, pinahihintulutan ang pharmacists na magbigay ng adult vaccines matapos sumailalim ang mga ito sa training ukol sa ligtas na pagbibigay ng bakuna gayundin ang ukol sa mga tamang hakbang kung sakaling mayroong hindi inaasahang pangyayari matapos ang vaccination. Kinakailangan din silang makakuha ng certificate of training mula sa institusyong accredited ng Professional Regulation Commission.

Dagdag pa ng opisyal, base sa Implementing Rules and Regulations ng Philippine Midwifery Act, pinapayagan din aniyang magbigay ng bakuna ang midwives, lalung lalo na sa ilalim ng national immunization program ng DOH, basta’t may gabay aniya ang mga ito ng isang doktor o nurse.

“Pinag-aaralan ng DOH kung paano po natin maiaakma ang existing laws para maisama ang iba’t ibang healthcare professionals, specifically physicians and midwives, dito sa ating vaccine deployment plan,” pahayag ng tagapagsalita ng Kagawaran.

Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Glavez, Jr. na mayroong 25,000 vaccinators na kasalukuyang sumasailalim sa training upang mangasiwa sa pagbabakuna ng hanggang 200,000 katao laban sa nasabing virus, sa oras na pormal nang simulan ang vaccination program sa bansa.

Sa pagdinig naman sa Senado na ginanap noong nakaraang linggo, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na natukoy na ng pamahalaan ang 4,512 na fixed vaccination sites, kung saan layong mabakunahan ang 300 katao bawat araw. Kabilang ang medical centers at rural health facilities sa planong gawing vaccination sites sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.