DOH: PUBLIKO HINDI DAPAT MABAHALA SA PAGKAWALANG-BISA NG COVID-19 VACCINES SA HUNYO, HULYO

Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko ukol sa pagbabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na nakatakdang mawalan ng bisa sa darating na Hunyo o Hulyo ng taong ito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may 1.5 milyong COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca ang nakatakdang mawalan ng bisa sa susunod na buwan, samantalang ang ilang natitira pang doses ng nasabing bakuna ay nakatakda namang mawalan ng bisa pagsapit ng Hulyo 2021.

“Kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na ang pinakamatagal na expiring date ay six months. Minsan ‘pag dumating sa isang bansa, ganito na ‘yong time for expiry,” paliwanag ni Vergeire, tagapagsalita rin ng Kagawaran.

Natanggap ng bansa ang pinakaunang suplay nito ng AstraZeneca vaccines noong nakaraang Marso. Sinundan naman ito ng pagdating ng mga karagdagang suplay, kabilang na iyong lumapag nito lamang Sabado, Mayo 8.

Sa kasalukuyan ay nasa 2,556,000 doses ng AstraZeneca vaccines ang natanggap na ng bansa sa tulong ng COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX facility, na siyang nangangasiwa upang tiyakin na pantay-pantay ang natatanggap na suplay ng COVID-19 vaccines ng lahat ng mga bansa sa mundo. Nasa 1.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng mga pribadong kumpanya ang inaasahan namang darating ngayong Hunyo.

Kinakailangang iturok ang dalawang doses ng nabanggit na bakuna sa pagitan ng apat hanggang 12 na linggo.

Sinabi ni Undersecretary Vergeire na inaasahan ng pamahalaan na maipamamahagi na ang lahat ng doses ng AstraZeneca vaccines sa huling linggo ng Mayo o sa unang bahagi ng Hunyo.

“Wala po tayong dapat ikabahala. Nakagawa na po ng mekanismo on how we can consume these vaccines,” pagtitiyak ni Vergeire.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.