DOH: UK VARIANT NG COVID-19 NASA BANSA NA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Genome Center (PGC) bilang pagkumpirma na nasa bansa na ang B.1.1.7. SARS-CoV 2 variant o mas kilala sa tawag na UK variant ng COVID-19.

Namataan ang bagong strain ng COVID-19 na ito matapos makuhanan ng samples ang mga Pilipinong nagmula sa United Arab Emirates noong Enero 7 at magpositibo ang isa sa mga sakay nito.

Ayon sa DOH, ang kauna-unahang kaso ng bagong strain ng COVID-19 ay isang lalake at mula sa lungsod ng Quezon. Bumiyahe umano ito patungong Dubai noong Disyembre 27, 2020 at dumating sa Pilipinas nitong Enero 7 sakay ng Emirates Flight No. EK 332.

Sumailalim sa swab test at mandatory quarantine ang pasyenteng ito matapos dumating sa bansa at matapos ang isang araw ay lumabas na positibo ito sa COVID-19.  Kasama rin umano ng pasyenteng ito ang kasintahan nito at bagama’t  nagnegatibo ito sa COVID-19, nasa strict quarantine at monitoring pa rin ito.

Nakumpirma rin sa inilabas na pahayag ng DOH at PGC na ang parehong pasyente ay walang exposure sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 bago sila magtungo sa Dubai.

Agaran naman ang ginawang contact tracing ng lungsod ng Quezon at ang mga naitalang close contacts ng dalawang pasyente ay kasalukuyang asymptomatic at sumasailalim sa istriktong home quarantine.

Samantala, nanawagan naman ang DOH sa ibang pasahero ng Emirates Flight No. EK 332 na makipag-uganayan sa kanilang Barangay Health Emergency Response Teams.

Dahil sa pangyayaring ito, mas paiigtingin pa ang isasagawang weekly genomic biosurveillance para sa mga parating na pasahero, mga lokal na kaso, re-infected patients, gayundin sa mga naitalang lugar na mataas ang clustering.

Nakipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of the Interior and Local Government upang palawigin ang contact tracing at isama pati na rin ang third generation contacts para sa B.1.1.7 cases kung saan lahat ng close contacts ay isasailalim sa 14-day facility-based quarantine.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.