DOLE: ‘MGA KUMPANYA SA PRIBADONG SEKTOR, BAWAL MANINGIL PARA SA COVID-19 VACCINE NG MGA EMPLEYADO’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“No cost of vaccination in the workplace shall be charged against or passed on, whether directly or indirectly, to the employees.”

Ito ang nakasaad sa panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa pagbibigay ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa mga opisina na inilabas ng Kagawaran noong Marso 12.

Ayon pa sa nasabing panuntunan, bukod sa hindi maaaring ipasa sa mga empleyado ng pampribadong kumpanya ang halagang gugugulin para sa kanilang pagbabakuna, hindi rin pwedeng pilitin ang mga kawani na magpabakuna laban sa virus kung ito ay labag sa kanilang kalooban.

Dagdag pa rito, nakasaad din sa nabanggit na panuntunan na ang mga pampribadong kumpanya ay maaaring makakuha ng kanilang suplay ng COVID-19 vaccines at iba pang kaugnay na serbisyo na may kinalaman sa pagbabakuna. Maaari rin silang makahingi ng suporta mula sa kaukulang mga ahensya ng gobyerno para sa pagkuha, pag-iimbak, at pagbibigay ng mga bakuna sa kanilang mga empleyado.

Maaari ring himukin ng mga pampribadong kumpanya ang kanilang mga empleyado na magpabakuna, subalit ipinagbabawal ang diskriminasyon sa mga empleyadong pipiliing hindi magpaturok nito.

“No vaccine, no work policy shall not be allowed,” saad pa ng nasabing DOLE advisory.

Nauna nang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na maaaring patawan ng kaparusahan ang mga may-ari ng mga pampribadong kumpanyang hihingin munang magbakuna ang kanilang mga empleyado bago sila papasukin sa trabaho.

Samantala, ayon kay Department of Health (DOH) Promotion Bureau Director Beverly Ho, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 1,125,600 doses ng COVID-19 vaccine at nasa 193,492 na ang nabigyan nito base sa pinakahuling tala ng kanyang Kagawaran noong Marso 15. 

Inaasahan naman ng DOH na madadagdagan pa ang bilang ng doses ng COVID-19 vaccines na matatanggap ng bansa pagdating ng ikalawang kwarter ng 2021.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.