DOST: MAYA-2 NANOSATELLITE NG BANSA MATAGUMPAY NA NAILUNSAD SA SPACE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph; DOST Secretary Fortunato de la Peña
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Muli na namang nagningning ang galing ng Pilipino matapos matagumpay na mailunsad ang isa na namang nanosatellite ng bansa sa National Aeronautics and Space Administration o NASA Station sa Virginia, United States noong Linggo, Pebrero 21, 2021, lulan ng S.S. Katherine Johnson Cygnus spacecraft. 

Ang Maya-2 cube satellite ay bahagi ng Joint Global Multi-Nation Birds Satellite project o BIRDS-4 Project kasama ang mga bansang Japan at Paraguay. 

“The Department of Science and Technology [DOST] is very proud of this achievement,” buong pagmamalaking ipinahayag ni DOST Secretary Fortunato de la Peña. 

Ang naturang nanosatellite ay dadalhin naman sa  International Space Station (ISS). Ito ang huling hakbang bago marating ng satellite ang target altitude nito sa low earth orbit. 

Ngayong Lunes, Pebrero 22, ay inaasahang makakarating sa ISS ang nasabing nanosatellite. 

Ayon kay Philippine Space Agency Director General Joel Joseph Marciano, Jr., isang malaking tagumpay ang paglulunsad ng Maya-2 matapos isagawa ang pagpapasinaya sa Maya-1.

“To do something for the first time is great, but to be able to do it again and innovate is greater. We take pride in the launch of Maya-2, the successor to Maya-1 and the Philippines’ latest milestone in creating value in space for and from Filipinos and for the world,” saad ng direktor ng ahensya. 

Nasa likod ng matagumpay na hakbang na ito ang tatlong Pilipinong iskolar na pinag-aaral sa Kyushu Institute of Technology sa Japan sa tulong ng Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement o STAMINA4Space na programa ng DOST. Ang mga ito ay sina Engineers Izrael Zenar “IZ” Bautista, na project manager ng BIRDS-4; Marloun Sejera, at Mark Angelo Purio.  

Layon ng naturang proyekto na makakuha ng mga litrato ng mga bansa mula sa space at mapabuti ang pananaliksik sa mga lugar sa bansa na walang cellular site. 

Hangad din nito na mahikayat ang mas maraming Pilipino na pumasok sa larangan ng pananaliksik sa space at makumbinse ang mga kabataan na simulan ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng agham at teknolohiya. 

“Hanggang space, hanggang moon, Mars, kayang-kayang makarating ng mga Pilipino. So, kailangan lang natin patuloy na magtiyaga. Ang daming opportunities na nandyan. Hindi natin kailangang ikahon ‘yong sarili natin sa kung ano lang ang nakikita natin. We’ll need to look further and outside the box,” pahayag ni Lead Engineer Bautista. 

Sa kasalukuyan ay binubuo na sa bansa ang nanosatellites na Diwata 3 at Diwata 4. 

Ayon kay DOST Secretary de la Peña, pamamahalaan na ang nasabing proyekto ng bagong buong Philippine Space Agency. 

“All of us should be proud of the fast progress that the Philippines has made in this area considering that we started only in 2014. There are many aspects of governance which will be assisted by space technologies. These are concrete achievements in making science serve our people,” pagpapatuloy ni de la Peña.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.