DOT MAY BABALA SA MGA QUARANTINE HOTEL NA TUMATANGGAP NG STAYCATION GUESTS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabala si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga hotel na maaari silang maipasara kapag sila ay nagpatuloy pa rin sa pagtanggap ng mga panauhin para sa staycations habang kasalukuyang ginagamit din ang kanilang mga pasilidad para sa quarantine.

Ang mga accommodation establishment na ginagamit bilang quarantine facilities ay hindi maaaring tumanggap ng bookings para sa leisure purposes upang malimitahan ang posibleng paglaganap ng COVID-19.

Ayon sa Kalihim, nakatanggap ang kaniyang Kagawaran ng mga reklamo na may mga hotel na tumatanggap ng staycations bagama’t sila ay pinapayagan lamang na mag-operate bilang quarantine facilitie. Tumanggi naman si Secretary Romulo-Puyat na pangalanan ang naturang mga hotel habang wala pang pinal na desisyon hinggil sa umano’y ginawang paglabag ng mga ito. 

“Marami ‘yan. Hindi lang naman sa NCR [National Capital Region], e. Maraming nagrereklamo actually. Nagbigay na kami ng warning sa kanila, pero kung gawin pa nila ulit, ipapasara na sila. Sobra na, e.” saad ng tourism chief.

Iminungkahi ni Puyat sa mga establisyimento na kumuha na lamang ng permit to operate bilang staycation hotels sa halip na lumabag sila sa COVID-19 protocols, na aniya ay may matinding kaparusahan. 

Iginiit ng Kalihim na tanging four-star at five-star hotels pa lamang ang kasalukuyang pinapayagan na tumanggap ng mga bisita para sa staycations dahil sa mataas na demand sa quarantine facilities. Sa ngayon ay mayroon lang aniyang 15 na mga hotel ang awtorisadong tumanggap ng mga bisita para sa staycations.

Pinaalalahanan din ni Puyat ang publiko na hindi pa pinahihintulutan ang kasalan sa mga hotel na nasa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ).

“Bawal ang wedding sa GCQ. Bawal ang nagpapa-make up sa [hotels],” ani Puyat.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.