DOT SASAGUTIN ANG 50% NA GASTOS NG MGA TURISTA PARA SA COVID-19 TEST SA PGH

Ni Raiza F. Cabugwang
Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilagdaan na ng Department of Tourism nitong Martes, Disyembre 15, ang kasunduuan sa pagitan nito at ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ukol sa pagsagot ng Kagawaran sa kalahati ng halagang babayaran ng mga turista para sa COVID-19 swab test na isasagawa sa PGH.

Nagkakahalaga ng P1,800 ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa PGH.

Ngayong dahan-dahan nang nagbubukas ang industriya ng turismo sa bansa, isa sa mga kinakailangang maipakita ng mga turista upang sila ay mapahintulutang makapaglibot sa mga pook-pasyalan sa bansa ay ang negatibong resulta ng kanilang RT-PCR test.

Layon ng naturang programa na ibalik ang kumpiyansa ng mga turista hinggil sa ligtas na pagbiyahe at suportahan ang unti-unting pagbabalik-operasyon ng ilan sa mga pook-pasyalan sa bansa.

Sa nasabing virtual contract signing, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakikipagtulungan na ang DOT at ang Tourism Promotions Board (TPB) sa mga stakeholder upang mapabilis ang pagbubukas ng mga pook-pasyalang nakapaghanda na ng kani-kanilang mga panuntunan para sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga bisita.

“I encourage our kababayans to book their travels now, and hope that this initiative will break the barrier for our domestic tourists to actually make plans, especially in this Christmas season,” paghihikayat ni Puyat.

Upang makakuha ng nasabing ayuda, kinakailangang mag-register ang turista sa www.tpb.gov.ph/rtpcrphtravel limang araw bago ang itinakdang araw ng kaniyang pagbiyahe, at magsumite ng kopya ng valid government-issued ID, kopya ng kumpirmadong booking accommodation, at kopya ng transportation ticket para sa sasakyan ng turista patungo sa kaniyang destinasyon.

Kapag naaprubahan ang kaniyang aplikasyon, makakakuha ang turista ng email mula sa UP-PGH, kung saan maaari niyang i-access ang online Client Investigation Form mula sa www.cif.pgh.gov.ph  at siya’y aabesuhan kung kailan na siya maaaring makapagpa-swab test.

Ayon pa Kagawaran, dahil hanggang 100 RT-PCR tests lamang ang kayang gawin ng UP-PGH kada araw, magiging first-come, first-served basis ang pagproseso sa mga aplikasyon para sa naturang subsidiya.

Ang inisyatibang ito ay kaugnay rin sa kampanyang Safe Bangon Turismo ng TPB at inaasahang palalakasin nito ang lokal na turismo sa mga lugar na idineklarang ligtas ng DOT at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, tulad ng Palawan, Boracay, Bohol, Baguio, at Ilocos Norte.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.