DOTr BINALAAN ANG MGA COLORUM TUNGKOL SA PAGLABAG SA QUARANTINE PROTOCOLS

Ni Ivy Atompag
Photo: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Binalaan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga operator ng mga colorum na sasakyan na tigilan ang paglabag sa mga quarantine guidelines sa gitna ng pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos mahuli ang 12 na colorum na sasakyang sumubok makapasok sa iba’t ibang bayan sa Bicol noong Holy Week. 

Noong April 1-2 umano ay may pito pang pasaherong nakasakay sa mga colorum mula Maynila ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang nasa isolation.

“Buhay ‘ho ang nakataya dito, kaya’t huwag maging pasaway, huwag maging sanhi ng pagkalat ng Covid. Hindi ‘ho tayo uusad sa ating laban kontra sa Covid kung tahasan nating nilalabag ang mga quarantine protocols,” saad ni Tugade sa isang news release noong Sabado, Abril 3.

Ayon pa kay Tugade, iniulat ng Bicol Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na nasa tinatayang 79 indibidwal na pumunta sa Bicol mula sa NCR sakay ng mga colorum ang nagpositibo sa COVID-19.

“Isantabi muna natin ang pansariling interes para isalba ang buhay ng nakararami,” saad niya.

Matapos mailagay ang Metro Manila at apat na karatig-probinsya sa ilalim ng ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4, inilabas ng Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) ang Resolution No. 2021-004 kung saan ibinalik ang mga checkpoints sa mga border ng rehiyon.

Ayon sa imbestigasyon, gamit ng mga dispatcher ng mga colorum na sasakyan ang Facebook at online booking upang makakuha ng pasahero. 

Pinaigting na rin ng LTO-NCR ang operasyon nito sa mga terminal sa Pasay City at Cubao at sa mga border papasok ng Bicol upang arestuhin ang mga lumalabag.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.