DOTr MAGLULUNSAD NG COVID-19 CONTACT TRACING APP SA MGA PALIPARAN SA BANSA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang ilunsad ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pangunahing paliparan ng bansa ngayong araw, Oktubre 28, ang Traze, isang Coronavirus disease (COVID-19) contact tracing application.

Sa pamamagitan ng Traze app, mapapabilis ang proseso ng contact tracing o pagtukoy sa mga taong maaaring nakasalamuha ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade upang mapaigting ang pagresponde ng pamahalaan laban sa paglanap ng nasabing virus.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Kagawaran nitong Martes, Oktubre 27, sa pamamagitan ng Quick Response (QR) code-based app na ito, magiging automated na ang proseso ng contact tracing sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines, Manila International Airport Authority, Civil Aeronautics Board, Clark International Airport Corporation, at Mactan-Cebu International Airport Authority.

Dagdag pa ng DOTr, magkakasabay na isasailalim ang naturang app sa pilot testing na gaganapin sa Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Mactan-Cebu International Airport, at Davao International Airport.

Ang pag-download ng Traze app, na likha ng Philippine Ports Authority at Cosmotech Philippines, ay ipag-uutos na sa mga pasaherong paalis at papasok ng lahat ng paliparan sa bansa isang buwan matapos ang pilot testing nito. Pagkatapos mai-download ay kinakailangang mag-register ng account ang mga pasahero bago tumuloy sa airport.

Sa mga pasaherong walang mobile phones, maaari silang kumuha ng QR code at magpatulong na mag-register sa Malasakit Helpdesk na nasa mga paliparan.

Kasunod nito, kailangan namang i-scan ng pasahero ang QR code sa mga nakatalagang lugar sa paliparan. Kapag mayroong pasahero na nagpositibo sa COVID-19, papadalhan ng in-app notification ang mga indibidwal na maaaring nakadaupang-palad ng pasyente upang agad na sumailalim ang mga ito sa self-isolation procedure at iba pang mga kinakailangang hakbang upang gumaling o mapigilan ang tuluyang paglaganap ng virus.

Nakatakda ring gamitin ang Traze app sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa.

Siniguro naman ng DOTr na ang nasabing application ay sumusunod sa mga alituntuning nakasaad sa ilalim ng Data Privacy Act. 

May kumpleto rin anila itong modules para sa tracing ng mga indibidwal, establisyimento, at logistics at transportation systems tulad ng tren, mga sasakyang-pandagat, eroplano, jeep, taxi, public utility vehicles, at maging tricycle.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.