DSWD: ‘P1.4B NAKALAAN PARA SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ULYSSES’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes, Enero 12, na maglalaan ang pamahalaan ng mahigit P1.4 bilyon upang tulungang makabangon ang mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, katuwang ng kaniyang Kagawaran ang Department of Human Settlements and Urban Development sa pagsasakatuparan ng nasabing hakbang.

Sa nasabing halaga, mahigit P998 milyon aniya ang mapupunta sa implementasyon ng Emergency Shelter Assistance, samantalang mahigit P357 milyon naman ang ilalaan para sa Cash-for-Work o ang pagbibigay ng cash sa mga apektadong indibidwal kapalit ng kanilang serbisyo sa komunidad, tulad ng pagsasaayos ng mga nasirang bahay, paglilinis, at iba pa.

Ayon sa pinakahuling monitoring ng DSWD, nasa 209,528 na mga kabahayan sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Cordillera Administrative Region ang naapektuhan ng naturang kalamidad. Sa bilang na ito, 26,444 ang mga lubhang napinsala, samantalang nasa 183,084 naman ang bahagyang nasira.

Dagdag pa ni Dumlao,  nasalanta ng Bagyong Ulysses ang mahigit 1.2 milyong pamilya o mahigit 5.1 milyong katao mula sa 7,287 na mga barangay sa Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol,  CAR, at Metro Manila. 

Base rin sa pinakahuling pagtatala ng Kagawaran noong Enero 12, nasa 5,000 pang mga pamilya o mahigit 20,000 katao pa ang nananatili pa rin sa 145 evacuation centers sa Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, at NCR.

“Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Kagawaran sa mga concerned LGUs upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga apektadong nasasakupan at kung maaari na silang makabalik sa kanilang mga tahanan,” pahayag ng tagapagsalita ng DSWD.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.