DSWD PATULOY ANG PAMIMIGAY NG FOOD PACKS SA MGA NASALANTA NG BAGYONG ULYSSES

Ni Vanessa Landig
Photo by DSWD FO3
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Walang tigil ang isinasagawang repacking at pamimigay ng mga libu-libong family food packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Sa DSWD National Resource Operations Center sa lungsod ng Pasay, tuluy-tuloy ang repacking activities ng FFPs sa pangunguna nina DSWD Warehouse Director Emmanuel Privado at NCR Regional Director Vicente Thomas.

Sa tulong ng mga military truck, naipamahagi ang mga food pack sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa mga lungsod ng Marikina at Quezon.

Nakapaghatid naman ang DSWD Field Office 1 ngayong araw ng 1,000 family food packs sa isang satellite warehouse nito sa Urdaneta City, Pangasinan bilang suporta sa local government units (LGUs) sa rehiyon. 

Aktibo rin ang DSWD Region III upang makapaghatid ng food packs sa mga kababayang naapektuhan sa Central Luzon. 

Katuwang naman ni Mayor Noel Rosal sina DSWD Undersecretary Aimee Torrefranca-Neri, Director Gemma B. Gabuya, Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Y. Evangelista, at mga kawani ng DSWD Regional Office 5 sa pamimigay ng FFPs sa  mga pamilyang apektado ng Bagyong Ulysses sa siyudad ng Legazpi.

Pinangunahan naman kahapon ng DSWD Field Office 2 ang distribusyon ng 37 food packs, katuwang ang lokal na pamahalaan at Bureau of Fire Protection San Isidro, para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Barangay Nagbukel at Barangay Rizal East sa lalawigan ng Isabela.

Samantala, sa inilabas na report ng DSWD nitong 12:00 ng tanghali, umabot na sa 8,154 na pamilya o 33,168 indibidwal mula sa National Capital Region (NCR) ang lubos na naapektuhan ng hagupit ng bagyo.

Kasalukuyang tumutuloy ang evacuees sa 187 evacuation centers na inihanda ng 152 barangay mula sa iba’t ibang lungsod ng NCR.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.