DTI HANDANG MAGPAUTANG SA MSMEs PARA SA 13TH MONTH PAY NG MGA EMPLEYADO NITO

Ni Raiza F. Cabugwang
PNA photo by Robert Oswald P. Alfiler
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa apat na bilyong piso ang inilaan ng Department of Trade and Industry (DTI) para ipahiram sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sakaling kailanganin ng mga ito ang ayudang pinansyal para maibigay ang 13th month pay benefit ng kanilang mga empleyado, lalo pa’t ramdam ng mga ito ang hirap na dulot ng pandemya sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang naturang budget ay manggagaling sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Assistance to Restart Enterprises (CARES) program na pinopondohan ng Bayanihan 2 Act, ang batas na naglalaan ng pondo upang mapaigting ng gobyerno ang pagtugon nito laban sa pandemya.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, P10 bilyon ang kabuuang pondong nakalaan sa Small Business Corporation, na nasa ilalim ng DTI. Anim na bilyon mula rito ang mapupunta sa MSMEs na kabilang sa sektor ng turismo. 

Ang MSMEs na nasa isang taon o mahigit na sa operasyon ay maaaring makahiram ng mula P10,000 hanggang P200,000 depende sa asset ng kanilang negosyo. Wala namang interes na ipapataw sa kanilang hihiraming halaga.

Maaaring kumuha ng naturang loan ang MSMEs na may asset size na P50,000 hanggang isang milyong piso.

Bukod sa halagang hihiramin, sisingilin lamang ng SB Corp. mula sa MSMEs na hihiram ang service fee na apat na porsiyento para sa loans na maaaring bayaran ng isang taon, anim na porsiyento para sa utang na maaaring bayaran ng hanggang anim na taon, at 7.5 na porsiyento naman para sa three-year loans.

“[It will be the] same procedure as other MSMEs borrowing for working capital and operations,” pahayag ni Sec. Lopez tungkol sa proseso ng pagkuha ng loan. 

Noong nakaraang linggo lamang ay hindi pinahintulutan ng Department of Labor and Employment ang mga establisyemento na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado pagsapit ng o bago mag-Disyembre 24 ay alinsunod sa Presidential Decree No. 851.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.