DUQUE PABOR SA PAGPAPALAWIG NG MECQ SA METRO MANILA, MGA KARATIG-PROBINSYA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph, Department of Health Secretary Francisco Duque III
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Kung titingnan natin ang datos, tingin ko talagang kinakailangan ipagpatuloy ang MECQ (modified enhanced community quarantine) for another week or two dahil nga ‘yong ating health system capacity hindi masyadong nag-i-improve pa sa ngayon.” 

Ito ang ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III hinggil sa kanyang pagsang-ayon na palawigin pa ang pagpapatupad ng MECQ sa National Capital Region Plus bubble, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon sa Kalihim, marami pa rin aniyang mga ospital ang nananatiling kritikal ang kalagayan dahil sa pagdagsa ng mga pasyenteng may Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga ito.

Nagbabala si Secretary Duque na maaaring tumaas pa ang bilang ng may COVID-19 kung luluwagan aniya ang quarantine classification sa nasabing mga lugar.

“Ipagpatuloy muna natin ang MECQ para kitang-kita o malaki ang pagbaba ng mga bagong kaso at magkaroon ng reversal ng trend,” dagdag pa ni Duque.

Malapit nang pumalo sa isang milyon ang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ito ng 8,162 na mga bagong kaso nito lamang Linggo, Abril 25, 2021. Dahil sa nasabing mga bagong kaso, umabot na sa 997,523 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng naturang virus.

Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng panibagong 20,509 kataong gumaling na mula sa naturang karamdaman, sapat upang maiangat sa 903,665 ang kabuuang bilang ng mga nakaalpas na mula rito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.